Friday, December 19, 2008

Bicycley

Mga kwentong walang sense noong mapadpad sa AUD land.

Immigration
First time kong makapasok sa terminal ng paliparan.
Pero hindi pala exciting, kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nag-iisa pa nga pala ko kaya dagdag kaba.
Nangapa nalang ulit ako sa mga proseso sa loob, naalala ko tuloy ang enrollment noong kolehiyo, hindi ko makabisado kahit paulit-ulit ang proseso kaya sumusunod nalang sa mga kasabay.
Kaya ganoon nalang din ginawa ko. Tumitingin-tingin, at nakikiramdam. Bigla nalang natapos yung pag-check-in ng bagahe, pagkuha ng boarding pass, pagbabayad ng airport fee.
Pagkatapos ng mga iyon, napadpad ako sa booth ng immigration officer.
Nitignan niya yung passport tapos naghahanap siya ng CFO.
Siyempre, hindi ko alam iyon.
Sabi niya itanong ko raw sa information center. Pumunta ako sa information center at tinanong iyong babaeng nagbabantay doon. Hindi rin siya familiar kaya tinawagan niya ang isang visa expert at pinakausap niya sa akin.
Tinanong ko siya kung bakit ako hinahanapan ng CFO (hindi ko na tinanong kung ano iyon).
Sinagot niya ko gamit ang tanong na, "Anong class iyong nakasulat sa VISA mo?" "Class UC", sagot ko.
Ang sabi niya hindi na raw kailangan ng CFO dahil working VISA iyong hawak ko.
Nagpasalamat ako sa mga tumulong sa akin at bumalik sa immigration officer.
Sinabi ko sa kanya na hindi na pala kailangan ng CFO dahil working visa nga iyong hawak ko.
Ang sagot niya "Ano? Working ka na?" "Ilang taon ka na?" "San ka...". to top it all she asked "may girlfriend ka na?".
I left.
Just kidding, I smiled at her, and then I left.

zz
Isang umaga, habang naglalakad ako papunta sa opisina, may bumubulong na lalaking Australian sa may tabi ko narinig ko parang "they get these Filipinos to work here". Bahala siya.
Iniisip ko kung paano niya alam na Pinoy ako eh.
Ibig yata sabihin noon mukha talaga akong Pinoy.
Tapos may isang gabi bumili kami ng hamburjer sa isang fastfood chain. Sa pila, sa harap ko, may bumibiling matandang naka-scarf na babae medyo nakangiti tapos biglang harap siya sa akin at nagtanong, "Chinese?" Siyempre nagulat ako, bakit niya ako tinatanong kung Intsik ako? Sinagot ko nalang ng masarap na, "Nah". Pagkatapos, lahat nalang ng nationality sa Southeast Asia tinanong na niya sa akin. "Malaysian?" "Vietnamese?" "Indonesian?" "Cambodian?" "Singaporean?" At pinakahuli, "Filipino?". Siyempre sinagot ko ng takang-takang "Yes". Kinuha niya yung order niya tapos umupo na at kumain. Ngayon ko lang napansin, mahusay siya sa Geography. Buti nalang at mahusay siya roon at hindi niya ko napagkamalang taga-Middle East.

Vocabulary check
bicyclely -> basically
emm -> umm
mum -> mom
trem -> tram
dinnah -> dinner
oh! wow! -> oh! wow!
nah der -> not there
deebahg -> debug
dota -> daughter
dota -> DOTA
ax -> ax
ax -> ex
RMI -> RMA
RMI -> RMI
done and dusted -> it's over
Homeless -> analog nila sa mga pulubi natin, at sobrang pinagkakatuwaan nila sa opisina. Kunwari may natirang pagkain o kahit anong mukha namang mapapakinabangan, "give it to the homeless" ang banat nila)

Ibang Buhay
Malamig doon, kahit summer. Todo rin iyong summer solstice (nakaka-miss iyong mga science classes ni Mrs. Ison noong grade 4). 9 p.m. may sinag pa ng araw na maaaninag sa kalangitan. Medyo nakakainis iyon, kasi sa Pinas bandang 5:30 p.m. palubog na ang araw, so naghahanda na umuwi, err, minsan. Doon dahil may araw pa, at abala sa tarbaho, di na rin mamamalayang lampas 6 p.m. na. Masama iyon lalo na sa mga 9-6 people.

Masarap mag-internet sa Pilipinas, walang limits sa download/upload. Grabe 6GB download/upload a month lang ang nakuha naming internet. Ang maganda lang fully wireless na siya.

Nakakatuwa dahil nakikita ko sa pangpublikong sasakyan ang mga bagay na application ng ginagawa namin sa trabaho. Siyempre hindi ko rin maiiwasang malungkot dahil hindi yung nakakaraming Pinoy ang nakikinabang sa mga bagay na ginawa namin.

Movies Watched
21 -> no comment.
tropic thunder -> sobrang violent, may funny parts, advertising (sobra yung isang scene kelangan pang i-flash ni tom cruise yung magazine)
resident evil degeneration -> masaya naman, awesome graphics

Work Frustrated
The only thing they know is it doesn't work. "It doesn’t work". Puro ganoon ang bukang bibig.

Inaantok talaga ko kapag nakikinig ako sa nakikipag-usap sa akin ng sobrang mabilis na ingles. Mga 70% lang ang naiintindihan ko sa sinasabi nila sa sobrang bilis. May isang beses tinanong ako "So when are you going to pass that defect for retest?" Bago ko na-parse iyong buong sentence ang narinig ko lang "@! when $*& *#u !@$#% %^ pass z@!# defect @#$ $#test?"
May naka-small talk nga ako, designer siya. ang nagets ko lang "I shouldn't have joined this project". Sabi ko "Good point". Tapos all else na sinabi niya, feeling ko naman is reklamo, so tumatawa nalang ako hahaha.

Sa dinami-rami ng ginawa mong tama, walang makikita roon, ang makikita (or tinitignan talaga) yung shortcomings mo. Hindi ba nakaka-demoralize?

May idagdag ka lang na simpleng logic sa isang code, kapag hindi na mapagana, ikaw ang sisisihin. Wala kasing maisip na pwedeng masisi. Tapos matapos mo imbestigahan, makikita mong mali lang iyong setup ng data nila. Sayang oras.

You know what's funny though, I CAN go to work on time, early even. That's very rare.

You have to ditch some of the processes in order to make the deadline.

May characteristic type, kinabit sa premise entity, tapos hinahanap-hanap sa sp type characteristics, galit na galit pa dahil hindi makita.

Paano mo gagawing: nagsusupport sa testing, gumagawa ng defects, gumagawa ng iba pang defects, something's got to give.

Noong una okay lang lahat ng testing eh, connected kami sa main server and pwede kaming magtest doon gamit ang debugging software and stuff. Biglang naglipat sila ng server tapos kaming mga developer walang access! Hindi kami makakonek sa database. Ang hirap tuloy umayos ng defects.

Why should you deliver software correctly? So that it will work.


Babalik for more bicycleying after the holidays.

Tuesday, December 16, 2008

Naruto Shippuuden

  • The saving your friend/brother drama that Naruto presents is still effective on me. Yes, I still remember the first season.
  • Any anime, whether is starts good or not, that has characters with exponential "powers" will eventually become a Dragon Ball clone. This show is not an exception.




Yes, I'm a Narutard!

With only the fourth tail of the nine tails, Naruto is Son Gouku like already.


Pain
The Pain arc is good.
Pain resurrecting everyone is cheezy! Cheezy!