Wednesday, August 30, 2006

palarong pinoy

Kahapon, out of nowhere, hindi namin binalak, nasali kami sa isang palaro. Ganito kasi iyon, lolokohin dapat namin yung isa naming kaibigan dahil kasali siya sa palarong nabanggit. Bale pumunta kami sa lugar kung saan gagawin ang palaro, sa Oble grounds dito sa campus. Tapos, nakita kami nung isang tagapangasiwa ng palaro, kalbo siya. Bigla niya kaming tinuturo tapos, ayun, kasali na raw kami bigla kasi magkakasama kami at, siguro para sa kanya, mukhang kalahok grupo. Yung unang salang, relay siya na may piko, pagbalanse ng kalamnsi at kamatis sa kutsara, pagbubuhat ng tao, kadang-kadang at pagkarerang gamit ay isang paa lang. Ang masaya run, naka 3rd place kami sa first elimination round. XD Yung pangalawang salang, tirahang bola. Talo kami. XD Ayun, sa pagkakaalam namin tapos na kami, yun pala hindi pa, mayroon pa raw na moro-moro. Pero hindi na kami sasali. XD