Nanood kami ng laban ni Pacquiao kahapon, katabi ng mga manong guards sa iskwelahan. Nakakatuwa kasi isa sa mga tropa nila itinaya yung pang matrikula niya kay Morales. Eh talo, hehe.
Nung kumakanta pa lang ng pambansang awit ng mga bansa, maliit lang yung telebisyon. Nagulat kami nung bigla na lang silang may hinihilang mas malaki. Ayun mas nag-enjoy tuloy kami sa tatlong round ng umaatikabong labanan.
Ang kupal din ni Morales eh no, nang-cheap shot pa nung magkadikit sila ni Pacman.
Inaasahan ko na talaga na mananalo si Manny eh, ang hindi ko inasahan eh yung napakabilis na pagkatalo ni Morales. Sa tingin ko mas magaling at mas makunat pa si Larios.