Friday, May 25, 2007

Ang husay mo fre!

Ni-interview ako kanina somewhere. Ngayon ko lang na-realize, dahil sinabi rin nung HR person, top 10 kaming lahat ng mga block mates ko sa comsci ng batch namin. Bakit nga naman hindi? Sampu lang din kaming gumraduate na comsci sa batch namin. Pero mas swabe pa rin nung isang taon, isa lang kasing comsci student ang gumraduate sa campus namin. Top one kung top one.

May Starcraft 2 na! Hindi pa sinabi kung kailan ang release nung game. I miss my Starcraft days. Grabe, sigurado, first day pa lang ng release ng game, may torrent na kaagad yan. Downloadable within hours.

Natapos na yung Maging Sino Ka Man. Ang sagwa ng katapusan. Happy eh. Tapos biglang may sunod na series. Sa totoo lang, kaya ko lang pinanood yung palabas na iyon ay dahil magaling naman umarte yung iba sa mga artista doon (compared naman dun sa ibang mga shows sa pinoy prime time, Rounin? :D). Magaling si Boyet. Siya yung talagang sobrang nagdadala ng drama. Kaso tumakbo. Banned tuloy lumabas sa telebisyon. Nasira ang lahat.

Oo nga pala yung Rounin. Napakabayolente. Mayroong scene dun na napanood ko lang (defensive), hindi ata magkasundo yung dalawang characters, kaya yun, nag-away sila with matching special effects. Tamang halimbawa lang. Hindi rin magagaling umarte yung ibang mga artista (patapon? XD). Gwapings or maganda lang, okay na. Ganoon na talaga ang ipinapalabas ngayon eh.

Wala na akong maisip.

Tuesday, May 22, 2007

Automation daw ang kailangan!

ELECTION 2007: SAME OLD STORY

This is an article written by Richard Gordon. It emphasizes the idea that elections should be automated. That is to prevent cheating (?) and manual mistakes, and to make the whole process safer (?).

Maganda yung sinabi niyang maibabalik ang tiwala ng mamamayang Pilipino pati na rin ng iba pa kapag nagkaroon ng malinis na botohan. Sa tingin ko, totoo yun. Kasi hindi talaga ako makahinga nang maluwag na nakaka 12-0 ang Team Unity (may website sila! pati ang Genuine Opposition mayroon!).
Ang problema, sinong gagawa? Wala lang naisip ko lang, nasaan na ba kasi yung mga magagaling na Pinoy? Sino ba kasi ang comsci, IT or may gustong tumulong diyan? Hehe, wala yata.

Isa pang problema, na napaka-obvious, ay yung gastos. Wala na ngang makain ang marami sa mga Pilipino, may pagkakagastusan nanamang iba.
Kung sa bagay, kung yung pork barrel ng mga opisyales ang gagamitin sa implementasyon ng naisip ni Mr. Gordon, pwedeng pwede!

Tuesday, May 08, 2007

Friday, May 04, 2007

Ang pakiramdam ng isa sa mga Pinoy

Hindi ka naman tamad pero sadyang hindi ka makaahon mula sa kahirapan.

...

Ilan sa mga bagay na madaling mapansin.

Politicians. Maraming pretenders, part time job hunters, job hunters, buyers, sellers, singers, dancers, at jokers.

Transportation. Buraot na sistema, sardinas, tulakan at patayan sa MRT. Traffic sa EDSA, sa Shaw Boulevard, sa Ortigas, sa Cubao. Mainit at may swabeng larawan sa ticket sa LRT. Sobrang haba ng pila sa sakayan.

Government. Buraot na sistema.

Food, housing, at marami pang iba.

Masaya pa rin naman daw sabi nila kahit ganito ang sitwasyon.

...

May mga bagay nga namang maganda rin.


Malungkot isiping ang mga Pilipino ay konti lamang ang mga pinagpipilian lalo na sa mga importanteng bagay. It's sad that the Filipino people have few choices especially in the important aspects. Mas malungkot isiping marami rin ang walang pakialam. Pinakamalungkot isiping mayroong wala talagang alam.

May choice ba?