Ni-interview ako kanina somewhere. Ngayon ko lang na-realize, dahil sinabi rin nung HR person, top 10 kaming lahat ng mga block mates ko sa comsci ng batch namin. Bakit nga naman hindi? Sampu lang din kaming gumraduate na comsci sa batch namin. Pero mas swabe pa rin nung isang taon, isa lang kasing comsci student ang gumraduate sa campus namin. Top one kung top one.
May Starcraft 2 na! Hindi pa sinabi kung kailan ang release nung game. I miss my Starcraft days. Grabe, sigurado, first day pa lang ng release ng game, may torrent na kaagad yan. Downloadable within hours.
Natapos na yung Maging Sino Ka Man. Ang sagwa ng katapusan. Happy eh. Tapos biglang may sunod na series. Sa totoo lang, kaya ko lang pinanood yung palabas na iyon ay dahil magaling naman umarte yung iba sa mga artista doon (compared naman dun sa ibang mga shows sa pinoy prime time, Rounin? :D). Magaling si Boyet. Siya yung talagang sobrang nagdadala ng drama. Kaso tumakbo. Banned tuloy lumabas sa telebisyon. Nasira ang lahat.
Oo nga pala yung Rounin. Napakabayolente. Mayroong scene dun na napanood ko lang (defensive), hindi ata magkasundo yung dalawang characters, kaya yun, nag-away sila with matching special effects. Tamang halimbawa lang. Hindi rin magagaling umarte yung ibang mga artista (patapon? XD). Gwapings or maganda lang, okay na. Ganoon na talaga ang ipinapalabas ngayon eh.
Wala na akong maisip.