Makalipas ang anim na linggong pagtambay sa bahay, magsisimula na ang bagong yugto sa buhay kong ito. Ang pagbabalik trabaho.
Isang linggo nalang, 9 a.m. - 6 p.m. nanaman. Ang dami ko pang hindi napapanood na pelikula. Pakiramdam ko kulang pa ang halos dalawang buwang pagtambay at pagpapakatamad.
Pangalawang trabaho ko na. Iba na kasi ang maganda ang attitude towards work. Yung tipong lahat nalang ng bagay sa trabaho ayaw. Marami nang nagsabi sa aking there is no perfect organization, napakahirap ko lang sigurong pagsabihan. Tigasin ang ulo. Maaari rin namang ayaw ko lang talagang makinig.
Ang dami kong pinagpalit na bagay at inaksayang panahon para sa trabahong ito, sana maging sulit.