Pansin ko lang, kapag rush-hour marami ang mainit ang ulo. Kanina pinahinto lang ng traffic enforcer kaming mga tumatawid. Dahil may mga sasakyang hindi na makadaan sa dami namin, pinahinto niya kami. May nakipag-away kaagad.
Isa pa sa MRT, kapag may natulak, yung kahit hindi naman sadya dahil natulak lang din, madalas sigawan na yun.
Kanina, dahil nagmamadali ako, sumakay ako sa motor. Iyon na ang pinakamabilis na transportasyon kapag rush-hour dahil napakahusay nung mga motoristang makipagsiksikan sa kapal ng trapik. Naranasan ko yung motion blur effect dahil sa bilis ng takbo ng motor.
Iba talaga ang epekto ng damit sa mga tao sa paligid. Malaking patunay nito, sa mga naranasan ko, ang pagkapkap ng mga gwardiya sa mga malls. Kapag naka-usual shirt, pants, rubber shoes get up, kinakapkapan at hinahalughog ang bag ko. Kapag naka-formal naman, daan lang at hindi lang iyon, mayroon pang "Good morning/afternoon/evening". Swabe lang.
May batang babae kanina sa may kalye, hindi ko alam kung inaasar niya yung tatay niya o ano basta tanong siya nang tanong: "Papa, papa, bakit ayaw mong mamatay?" Talagang paulit-ulit. Tatay naman niya mainit na rin ang ulo pero halatang nagpapasensya lang at paulit-ulit din ang sagot na: "Ewan ko." Hindi ko rin alam kung bakit niya itinatanong iyon.
Ay yung job. Medyo nakakatamad eh. Hindi na kasi ako ganoon ka-enthusiastic sa mga ganitong bagay. Pahingi naman ng magandang attitude towards work, wala talaga akong kwenta eh. Sana nga talaga unang trabaho ko nalang, na-defile na kasi ang utak ko sa una.
Sa simula lang naman siguro ito. Isa pa pangangatawanan ko na rin dahil galing pa rin sa desisyon ko ang mga nangyayari.