Friday, October 19, 2007

Bubble Gang The Movie

Gumawa ang Bubble Gang peeps ng pelikula upang gunitain ang kanilang ika-labindalawang taon sa telebisyon. Pinamagatan nila itong DO-SE-NA at isa itong action musical na funny.

Pinagbidahan ito ni Michael V (Buddy) at ni Ogie Alcasid (Dick) bilang mga detective. Ang astig pa, kahit action yung isang tema ng pelikula, bakla yung bidang si Buddy. Kasama rin nila ang iba pang cast ng palabas.

Napaka-erotic ng ibang eksena at kanta. Nakakatawang panoorin at pakinggan. Marami ring tagpong may pole dancing. Swabe.

Nakakatawa yung isang eksenang bigla nalang nag-break dance yung dalawang bida dahil kitang-kitang double yung sumayaw. Isa pang nakakatuwang bagay sa pelikula ay ang mga klasikong linyang naipasok nila kagaya ng "Isang bala ka lang" at "Ako ang Panday" ng mga lumang pelikulang Pinoy.

Kahit hindi magaling umarte yung ibang artista at medyo kakaiba ang takbo ng kwento ng pelikula, masaya pa rin dahil nakakaaliw naman ito.

Astig si Michael V sa larangan niya. Creative Director na pala siya. Sa tingin ko, siya ang nagdadala sa Bubble Gang. Hindi nakapagtatakang labindalawang taon na ang naturang palatuntunan. Naalala ko tuloy ang Tropang Trumpo days.