Ang tagal ko ring natigang sa pagsusulat ng kung anu-anong katarantaduhan. Bakit?
Confine.
Na-confine si mommy ng halos isang linggo. Nakaranas siya ng tinatawag na mild stroke. Sobrang taas ng blood pressure niya (200 over something) dahil, ayon sa mga doktor, sa sobrang kainitan ng panahon at sa stress na nararanasan niya. Mabuti na lang malakas ang pangagatawan niya at, ngayon, ayos na siya. Lumalaboy na nga ulit.
My gastrointestinal romance.
The morning before the mild stroke incident, na-colonoscopy at gastroscopy ako. Napadaan lang ako sa clinic tapos niyaya ako nung nurse kung gusto ko raw makita yung internal details ng large intestine at stomach ko. Siyempre pumayag ako, ilang beses ba nakikita ng isang tao ang mga laman loob niya? Sayang naman yung pagkakataon kung papalampasin ko lang.
Nawalan ng internet access sa bahay.
Pinatanggal na kasi namin yung smart broken. So nawalan ng internet sa bahay ng mga dalawang linggo. Nagpakabit kami nitong plan na mas mura pero mas malaki yung bandwidth. Ang huhusay talaga ng mga internet service providers. Naalala ko tuloy si power line networking. Gagamitin kaya ito ng mga electric utility companies sa Pilipinas?
Kinasal yung pinsan ko.
Karamihan sa mga father-side relatives ko, nasa ibang bansa na. Nagsimula silang magsialisan noong 1997. Kabilang sa mga kapamilya kong iyon ay mga pinsan kong mga kalaro ko noong mga bata pa kami. Isa sa mga pinsan kong kalaro ko lang dati, si Kim, ay nagbakasyon dito sa Pilipinas. U.S. marine na siya. Matapos ang 11-taong pagkakalayo, pagbalik niya dito may dala na siyang anak at asawa. Nagpakasal sila doon sa may Quezon city hall at ninang si mommy. Siyempre magugulat ako 'di ba?
Tarbaho.
Ano ba yan. Siyempre nagseseryoso-seryosohan ako kapag nasa opisina. Simple lang, tarbaho rito, tarbaho roon, pagbalik, tarbaho ulit, pag-ikot, tarbaho. Marami talagang kailangang tapusin sa office. Pero siyempre, hindi lang ako ang kailangang tumapos ng mga iyon.
Mukhang papasok kami ng mga ka-team ko sa project sa Labour day. May delivery kasi kami on May 2, kaya mukhang kailangang maghabol ng deadlines. That's good news. Great news. Excited na akong pumasok at magtrabaho!
Kapag dumating na ang June, mukha namang makakaluwag na kami. Gagamitin ko yung mga naipon kong mga vacation leaves. 12 days straight.
Bawal ba?