Thursday, May 22, 2008

Kumain ng konti at mga joke ni daddy

Waiter: Excuse me, here is your something (nakalimutan ko na), be careful the plate is hot. Ingat po mainit iyang plato.
*Umalis si Mr. Waiter
Daddy: ...akala niya kakainin natin yung plato.

Me: Ei dad nasaan na yung mga picture na kinuha ko gamit itong camera?
Dad: Ha, eh nabura ko yata.
Me: Ha? Bakit? Kailangan ko yung mga yun eh.
Dad: Ay ganun ba, sige picture-an mo nalang ulit.

Pili ka

Naglalasing sa kanto:
Pare 1: Pare, alam mo ba yung P = NP, totoo yun eh.
Pare 2: Ano ka ba pare, alam mo namang may mga problemang sadyang hindi uubrang hanapan ng solusyon gamit ang mga kompyuter.
Pare 1: Hindi pare, gago. P = NP.
Pare 2: Putsa, pare, P != NP, not in a hundred years!
*Pare 1 sinaksak si Pare 2

Naglalasing pa rin sa kanto:
Pare A: Pare, tignan mo iyong aso oh, kulay asul.
Pare B: Hindi eh, berde kaya.
Pare A: Niloloko mo ba ako? Eh kitang-kita namang kulay asul.
Pare B: Eh tarantado ka pala eh!
*Pare B sinaksak si Pare A


Pasukan na. Mag-aral mabuti.

Iwan na tayo.

Hay edukasyon...

Need For Speed Carbon

nakakaadik talaga
naaalala ko si carbon
bano yung parang ginagawang avatar yung tao, nababaduyan ako
ang ganda ng user interface, astig
street racing is illegal

Monday, May 19, 2008

Natawa lang sa screenshot

Binigyan ako ng screenshot, isa lang, at the user interface level, tapos, solve the defect. Nakakabaliw.

Ilang oras ko rin pinag-aralan. Tapos nakita kong ang problema pala ay isang composite primary key constraint issue. Tapos hindi ko yata pwede ikwento hahaha kaya huwag nalang.

Corny.

Friday, May 09, 2008

Notpron

Notpron.

Some computer geek game. It also claims that it is "The hardest riddle available on the internet".

P.S. It's not about porn.

Thursday, May 08, 2008

Iron Man (2008)

Good.

Tony Stark is just an ordinary weapon-making billionaire, until some group of people abducts him after a weapon demonstration in Afghanistan. While in captivity, he creates a prototype of a fighting armor out of scrap metals and uses it to escape from his kidnappers. Also during his capture, he realizes that he sucks because he manufactures things that kill people. So upon returning home, in his attempt to redeem himself, he makes the high tech armor using top-notch materials in order to stop others from using the weapons that he created.

There is that statement that that they are trying to point out, "Hardware by Marvel. Software by Oracle." I presume that it is thanks to that, the movie admission was free for us. Other than that, I think that with the above statement comes something more. Maybe it has something to do with Larry Ellison and the character Tony Stark being alike with most of their popular traits (filthy rich, smart, etc.) that is other than the fact that, in the movie, Robert Downey Jr. also looks a lot like Larry. I am definitely missing something as to why it has to be like that. Is it some sort of message? If it is, what is the point? Is it for the possibility of an increase in software sales brought about by the added attractiveness of products due to the production of one ultra cool superhero aided by software from Oracle? Ha-ha

The armor that Iron Man wears has boosters that allow the person wearing it to fly. However, in order to fly, the boosters must generate a good amount of force, which consequently generates a tremendous amount of heat. The armor must get freakishly hot when used for flying being made of metals and all. Yet, Mr. Stark did not show, or at the very least mention, any sort of cooling tremendously hot armor. That is among other things like being able to withstand being hit by a high-speed fighter airplane and stuff like that. The only thing I can conclude is that his armor runs with magic, nothing else.

The people from MTRCB did another fine job rating the movie G or general patronage. A rating that is appropriate for a movie that contains themes regarding sex (nagbabanatan si Stark at yung reporter), war (middle east war), weapons of mass destruction (demonstration of the Jericho missile), etc. I suppose that the themes are straightforward to explain to five-year olds inquiring what is going on during the movie.

Anyhow, I liked the movie, fast paced, superb video and audio, simple plot, ideal to watch right after a stressful day.

Shakugan no Shana Second

The series ended 19 April 2008 with things that are out of my ordinary, not. I forgot to publish this post. It is a good anime especially for slack time.
  • A sword wielding, ribbon wearing girl.
  • The most loli, colorful and yet violent characters.
  • High school drama and romance.
  • Someone wielding a sword twice his size and weighing more than the wielder himself.
  • Wala lang, hindi ko maisipan ng caption.
  • Adult advice to confused students.
  • Very questionable supernatural powers. Think about it, stopping time only in a certain area. If you stop time only in a certain area, the other areas will be out of sync. Yet that concept is totally irrelevant to this anime. There is no such thing as out of sync.
  • Another thing is the consumed by Tomogara idea (eating humans) and flame hazes replace those who are eaten with a Torch that will burn out eventually. It would be surprisingly odd if the parents of a person burn out and no one recalls that that person had parents. Weird.
  • Yuji can now cast spells (i.e. Fuzetsu).
  • Unfortunately for my interests, Yuji's father is just an ordinary human being. I was kind of hoping that he has some sort of part with the situation that Yuji is in.
  • With all of those, why did I continue to watch the show? Mostly, out of routine and, of course, the part of me that wants to see how it all ends. Unfortunately, the ultimate ending will probably occur in the succeeding series.

natuwa nanaman sa usapan

Mga linya mula sa isang yugto ng Maging Sino Ka Man II ipinalabas noong Marso 27, 2008.

JB nakaupo sa kanyang opisina sabay pasok si Onay.

JB: Onay, I know your personal affairs are none of my business. But as your direct supervisor I think it's my duty to call your attention on certain matters.

Onay: Ano hong ibig niyong sabihin?

JB: You know exactly what I'm talking about. I saw you necking with some guy the other day. If you want to fool around, don't do it in the workplace. It's very unprofessional. And more so, nakakahiya. 'cause your dad owns the company.

Onay: Ano ba yung pinagsasasabi mo ha? Iyong si Adonis? Eh kaibigan ko iyon eh. At saka hindi kami naglalandian dito sa opisina... Bakit ang dali dali mo akong husgahan ha? Ganoon talaga kababa ang tingin mo sa akin?

JB: I'm not accusing you of anything. I'm just concerned about what other people might say. At dahil boss mo ako, at dahil kaibigan mo ako, concerned lang ako.

Onay: Eh leche (gatas) pa lang concern yan eh. Kaibigan kita? Ha? Kung kaibigan kita aalamin mo yung totoo. Saka alam mo na hindi ako ganoong klaseng tao.

JB: Look I'm sorry I'm not trying to say..

Onay: Sorry?! Ha?! Sorry? Paulit-ulit yang sorry mo. Puro ka sorry. Ilang beses ko nang narinig yang sorry mo eh. Alam mo, paulit-ulit, paulit-ulit (yung script) mo akong sinasaktan... Sabagay ako rin siguro yung tanga eh, kasi paulit-ulit ko ring tinatanggap yang mga peke mong sorry. Alam mo, alam mo simula ngayon ha, wala na tayong pakialaman. Kasi nakakapagod kang intindihin (sabay alis).

(Kinulang sa umph yung delivery)

Matapos ang ilang minuto, si Jackie naman ang bumanat...

*Jackie may tinawagang "nangloloko" sa cellphone niya...

Jackie: Hello? Hello?! Kung sino ka man magpakilala ka sa akin! Kung nangloloko ka lang, nagtitrip ka, wala akong panahon sa iyo!

Tuesday, May 06, 2008

Ang Dumi ng Keyboard Mo

According to this article (Keyboards harbour harmful bacteria), a computer keyboard can be 5 times filthier than a toilet seat.
Whatever.

Sunday, May 04, 2008

Labindalawang Beses Nabanggit

Magsusuot ako ng braces. Okay lang naman, magiging sagabal lang naman ang pagsuot noon sa kaunting parte ng buhay gaya ng pagkain/pagtulog/lahat. Iniisip ko nga kung anong mangyayari kunwari kung masiko ako habang nagbabasketbol o madapa sa kanal at mangudngod ang nguso habang naglalakad sa kalye pauwi galing sa tindahan dahil bumili ng bigas. Parang masaya yata kung ganoon at talagang dapat madilim ang mga pananaw ko sa mga mangyayari.
Ang pinakamalaki talagang problema nitong brace thing na ito ay iyong gastos. Medyo mamumulubi lang naman ako kaya inuman nalang.
Mukha namang magiging maayos ang mga susunod na mangyayari.

Una yung salamin, tapos braces. Ow c'mon. Mahirap talagang magtanong sa mga consultant (ahem) kung may problema ang kung ano mang pwedeng magkaproblema. Kasi kapag nagtatanong ako kung may problema ba sa ganito o ganyan, nagkakaroon (as if wala) ng problema eh. Hindi ko alam na malabo na ang panigin ng mga mata ko hanggang sa tinanong ko yung optalmolohista (tama ba yun?) kung may problema sa mga mata ko at sinabi niya sa aking mayroon. Hindi ko rin alam na kailangan ko ng braces para sa mga yumuyukong ngipin ko hanggang sa tinanong ko yung dentista kung may problema ba sa mga ngipin ko at sinabi rin niya sa aking mayroon.
Parang minsan mas mabuti nalang magpakahangal para abstracted nalang yung mga problema. Parang alam mong mayroon problema, pero hindi mo alam kung ano kaya dedma nalang.
Puro nalang problema. At kapag may problema, may gastos. Magkadikit na iyan.
Pero may iba pa yata. Paano nga ba kung problema sa pag-ibig? *bangag

Umuwi si dad. Ayos. Higit sa dalawang taon din siyang napalayo dahil sa pagtatrabaho ng tuloy-tuloy-tuloy-tuloy...
Dahil sa pag-uwi ni dad, uuwi rin yung isang ate ko. Ewan ko, parang family reunion yata ang mangyayari. Wala lang, matapos ang dalawang talatang ukol lamang sa mga bagay na hindi masaya... Wala lang pala talaga akong masulat.