Sunday, May 04, 2008

Labindalawang Beses Nabanggit

Magsusuot ako ng braces. Okay lang naman, magiging sagabal lang naman ang pagsuot noon sa kaunting parte ng buhay gaya ng pagkain/pagtulog/lahat. Iniisip ko nga kung anong mangyayari kunwari kung masiko ako habang nagbabasketbol o madapa sa kanal at mangudngod ang nguso habang naglalakad sa kalye pauwi galing sa tindahan dahil bumili ng bigas. Parang masaya yata kung ganoon at talagang dapat madilim ang mga pananaw ko sa mga mangyayari.
Ang pinakamalaki talagang problema nitong brace thing na ito ay iyong gastos. Medyo mamumulubi lang naman ako kaya inuman nalang.
Mukha namang magiging maayos ang mga susunod na mangyayari.

Una yung salamin, tapos braces. Ow c'mon. Mahirap talagang magtanong sa mga consultant (ahem) kung may problema ang kung ano mang pwedeng magkaproblema. Kasi kapag nagtatanong ako kung may problema ba sa ganito o ganyan, nagkakaroon (as if wala) ng problema eh. Hindi ko alam na malabo na ang panigin ng mga mata ko hanggang sa tinanong ko yung optalmolohista (tama ba yun?) kung may problema sa mga mata ko at sinabi niya sa aking mayroon. Hindi ko rin alam na kailangan ko ng braces para sa mga yumuyukong ngipin ko hanggang sa tinanong ko yung dentista kung may problema ba sa mga ngipin ko at sinabi rin niya sa aking mayroon.
Parang minsan mas mabuti nalang magpakahangal para abstracted nalang yung mga problema. Parang alam mong mayroon problema, pero hindi mo alam kung ano kaya dedma nalang.
Puro nalang problema. At kapag may problema, may gastos. Magkadikit na iyan.
Pero may iba pa yata. Paano nga ba kung problema sa pag-ibig? *bangag

Umuwi si dad. Ayos. Higit sa dalawang taon din siyang napalayo dahil sa pagtatrabaho ng tuloy-tuloy-tuloy-tuloy...
Dahil sa pag-uwi ni dad, uuwi rin yung isang ate ko. Ewan ko, parang family reunion yata ang mangyayari. Wala lang, matapos ang dalawang talatang ukol lamang sa mga bagay na hindi masaya... Wala lang pala talaga akong masulat.