Ano ba iyan, ang bilis talaga ng panahon. Halos isang buwan na rin ang lumipas mula noong huli kong tala. Kasi, siyempre, abala pa rin sa trabaho. Aabot pa kasi yata ng Setyembre ang proyektong pinagbubuhusan namin ng dugo. Dugo lang. :D Medyo nakakapagpabagabag nga lang kasi talagang kapansin-pansin ang opportunity cost ng pagbibigay ng maraming oras sa isang bagay. Maraming lumabas na tampuhan at samaan ng loob dahil nga ganoon. Pero iniisip ko nalang, kapag lumipas na itong ganito, alam na natin kung ano ang talagang dapat na binibigyan ng oras.
Isa pa sa mga distractions sa buhay ay ang klasikong larong Diablo 2. Nakakalibang kasi talaga sobra. Maganda na rin dahil hinihintayin pa naman nating lahat ang Diablo 3.
Maraming yumayaya sa aking mag-Cabal, kaya lang MMORPG nanaman? Sa panahon ng pagsulat nito, tumatanggi pa rin ako.
Nakapag-mall ulit ako matapos ang matagal-tagal ding panahon. Pansin ko lang, ganoon pa rin, marami pa ring taong gumagala, pero medyo manipis na yung dami ng mga public utility vehicles. Dito sa may amin, maluwag na ang mga kalsada ngayon na noon naman, lalo na kapag bandang hapon ng Sabado/Linggo, ay punong-puno ng mga sasakyan na pinagkakaguluhan ng mga barker at ibang pasahero. Sobrang taas na nga naman kasi ng presyo ng langis. Natawa ko roon sa sinabi ng isang kong katrabaho, paano na raw kaya kapag dumating na ang araw na isang daan na ang pamasahe sa tricycle. Kunwari pupunta ka lang sa kanto, tapos isang daan kaagad. Yak.