Sunday, September 07, 2008

Anak na lalaki ng babaeng aso

Ano na nga ba ang nangyari?

Isang taon na ang lumipas mula noong napasok ako sa mundo ng consulting. Ganito pala ang pakiramdam kapag naka-isang taon na sa propesyon, wala. Pareho pa rin naman, sa totoo lang napakabilis lang talaga. Lalong lalo na kung ang pinagkakaabalahan ay buwan-buwan ang itinatagal. At lalo pa kung sunud-sunod na ganoon. Nakakatamad na talaga kapag ibang antas na ng pagdidii ang ipinaparamdam kahit na sobrang mahirap naman talaga ang pinapagawa. Does any one deserve that? (biglang nag-English amf)
Kung sabagay marami na rin akong natutunan dahil dito. Naiintindihan ko na rin ang ibig sabihin ng salitang kasanayan at karanasan. Masaya rin ako dahil nadaragdagan ang mga nakikilala kong taong mababait at may taglay na kakaibang kahusayan at dedikasyon.
Oo nga pala, hindi ako magbibitiw. Amp, hindi ito pamamaalam.

Tuyong-tuyo na ang utak ko. Iba na ito. Wala talaga akong maisip na isulat.