Ang daming Pinoy
Ang daming bagong construction
Ang daming condo
Mahal ang lupa dahil maliit lang
Ang daming turista
Compared sa Pinas
Mas mahal yung food
Mas mura yung mga prutas
Mas mahal yung pamasahe
Mas mahal magpamasahe
Mas mura yung electronics
Mas malinis
Mas cheezy yung infomercials
Mas mababa yung humidity
Mas mabaho yung MRT
Mas kaunti ang tambay
Binaha lang ng konti, na-threaten na matawag na third world
24 July
- Nag-ikot sa Orchard at Bugis street.
- Unang MRT.
- Singapore laksa
- Marina bay sands
- Ok siya na hotel. Milyon ang kita nila per day. Premature daw ang pagbukas niya. Hindi pa completely tapos yung project binuksan na nila kasi milyon milyon ang nalulugi bawat araw na sarado ito.
- May mahusay na string quartet na Russian chicks
- May swabeng swimming pool sa rooftop
- Bawal mag-swimming pag kumikidlat
- Konti lang yung chlorine
- Ang daming turista na makakakita sa iyo habang lumalangoy
- Ang ganda ng view of the city lalo pag gabi
- Sentosa. Ok yung parang racing. Songs of the sea. Meron yung lift na pang snow board pero walang snow.
- Universal Studios
- Masungit yung Fiona. Hindi pa tapos yung tanong namin kung pwedeng multiple shots ang kunin sa kanila ni Shrek pinapaalis na kami after nung shot. Gusto lang naming makunan ng litrato si Shrek e, di naman namin talaga gustong kasama siya sa litrato hehe.
- Naalog yung utak ko run sa Revenge of the Mummy. Na-feel kong airborne ako nung nasa peak bago bumaba yung roller coaster. Parang naiwan yung utak ko tapos biglang rumagasa pababa.
- Under repair yung main rollercoaster
- Nakarinig ng authentic Asian "What the hell?!" dun sa ride na mababasa ka. Bale pag bagsak nung gondola sa tubig, "What the hell!?" Buti nalang napangunahan na kaming mag-short at slippers lang kaya ok lang kaming mabasa.
- Nakapag MRT na kami lang. Weird yung machine ng ticket, ayaw magsukli ng mas mataas sa 4 SGD. So kung may 10 SGD kang buo, hindi ka makakabili ng ticket, kailangan mo pa magpapalit sa customer service.
- Nakita yung difference ng terminals 1 to 3 ng Changi airport. Dun kami sa budget terminal (terminal 1).
- Delayed yung flight namin ng 1 hour. May nakalimutan daw iinstall na piyesa.