Sunday, August 22, 2010

On noynoy

Ninarogdaw!!!

Bumibilib ako kay Noynoy sa unang mga buwan niya bilang presidente.

Kasi yung mga bagay na mukhang maliit lang pero malaki ang epekto sa pulitika sa Pilipinas, unti-unti niyang binabago
  • Pagbawal sa wangwang
  • Pagbabawas ng mga opisyal na last minute ng nakaraang administration na-appoint
  • Kapag naisabatas, yung pagbabawal ng paglagay ng pangalan ng politiko sa mga imprastraktura na resulta ng mga proyekto na pondo ng taong bayan ang gamit (nakakagulat na may mga representative na ayaw tanggapin ang konseptong ito)
Natuwa rin ako na ginawa niyang medium ang internet para sa information gathering and dissemination http://www.facebook.com/noynoy.aquino; http://twitter.com/noynoyaquino
May team na pala siya na nagmamanage nung information na nalalagay online. Makikitang nilalagyan ng halaga ng kasalukuyang administration ang opinyon ng mamamayan. Sa malamang yung mga taong marunong lang gumamit ng computer at mag-internet (5 million ata ang bilang ng mga Pinoy na gumagamit ng facebook) ang makakagamit nito, pero mas mabuti na ito kaysa wala. Mas mabuti na ito kaysa sa nakaraang administration.

24 Aug 2010
Sa kasamaang palad, sa administration pa ni Noynoy naganap itong hostage taking incident. Yung interview nga niya, parang nagulintang pa siya. Parang alangan siya sa mga sinasagot niya sa media. Kung sabagay, dun sa interview na napanood ko, yung mga miyembro ng media, kung magtanong parang si Noynoy ang may kasalanan ng lahat. Absent yung confidence na naramdaman ko nung SONA niya. Hindi talaga niya inexpect. Malas lang.