Ngayon naman 800MB per day nalang. Sana kasi, sinesend nila yan kapag nagregister ka palang. Huwag na nilang sabihing unlimited, kasi hindi naman unlimited.
Name:
Number: 8888
Content:
GLOBE Advisory: Ur data subscription for today has reached 800mb. Ur remaining browsing hours will resume tomorrow subject to promo validity. U may opt to forfeit ur remaining subscription to browse for P5/15. To unsubscribe text POWERSURF OFF or SUPERSURF OFF to 8888. This promo is guided by Globe Fair Use Policy.
Time: 06/12/2010 00:00:46
Pero ang pinakamalufet sa promo na iyan, may bug siya. At consumer ang magbabayad ng kamalian ng system. Consumer din ang mahihirapan lalo na kung may kailangan siyang gawing importanteng transaction.
Upload | Download | Total |
Dec 4 42835711 | 759755743 | 802591454 ~ 802MB |
Dec 5 109088468 | 388222580 | 497311048 ~ 497MB |
Dec 6 746305 | 122547 | 868852 ~ 86KB |
32149 | 42395 | 74544 ~ 74KB |
Nung December 4, umabot ako sa 802MB pero ok lang naman, wala namang nag-message sakin na lampas na ko sa limit. Bigla nalang silang nagpalit ng policy ng walang abiso.
Yung point ko talaga is, dapat na reset yung bandwidth ko for December 6. Mali yung system nila, ni-consider niya na out of bandwidth ako for the December 6, when in fact, December 5 ako naka-consume ng full capacity.
Syempre itinawag ko sa kanila. Ipinaliwanag ko na wala naman akong na-consume na bandwidth, pero hindi ako maka-access ng internet. Yung nakausap kong CSR, hindi magets na since may budget pa ako, dapat makakapag internet pa rin ako gamit yung product nila. Nirerequest ko lang na paki-ayos or i-extend yung promo time ko kasi wala nga akong nagamit, at system naman nila ang may kasalanan. Binigyan ko na nga siya ng malufet na analogy. Kung ikaw pumasok ka sa barbershop, nagbayad ka na para sa gupit tapos hindi ka ginupitan dahil sabi nila sa iyo quota na sila nung nakapag bayad ka, matutuwa ka ba? Sagot niya sakin, sorry daw, lesson learned ko raw, wala raw silang magagawa. Napakamot nalang talaga ko kasi sigurado naman may magagawa tungkol sa simpleng problemang ito. Wala silang ginawa siyempre.
Kaya ayun. Hindi ko marerecommend yung product nila.