So nakapila ko sa sakayan ng FX, pauwi na galing opisina. Sa harap ko, may babaeng Pinay na nakapila.
Bigla nalang may lumabas na Koreano na nagtanong dun sa babae "Do you know where the Korean grocery is?". Si ate naman ang sagot, "No". Kung tama ang alala ko, parang kinikilig si ate nung panahon na yun. May lambing yung pag "no" niya.
Naisip ko agad pick up in progress. :D
"Do you have a number? What's your name?", tanong nung Korean.
Sumagot naman si ate na Grace, sabay bigay ng number. Score!!!
Bigla ba naman hinihila na nung loko yung braso ni ate.
Nakatingin lang ako ng pamura dun kay Korean boy.
"I'm Korean."
Napapa-"I don't care" ako e.
Tapos umalis na si kuya Koreano. hehe
Hindi sumama si Grace.
Mission failed.
Kaya ayun, if you are Korean and you are trying to pick up a Filipina chick, don't force her, it's really lame. Plus, you will fail. Cheers!