Tuesday, December 16, 2008

Naruto Shippuuden

  • The saving your friend/brother drama that Naruto presents is still effective on me. Yes, I still remember the first season.
  • Any anime, whether is starts good or not, that has characters with exponential "powers" will eventually become a Dragon Ball clone. This show is not an exception.




Yes, I'm a Narutard!

With only the fourth tail of the nine tails, Naruto is Son Gouku like already.


Pain
The Pain arc is good.
Pain resurrecting everyone is cheezy! Cheezy!

Thursday, October 23, 2008

kwentong may trangkaso

Ganito nangyari:
  1. Sabado. Oracle Global Volunteer Days. Pumunta sila sa La Mesa Watershed. (Dahil napadpad ako sa website nung watershed, nakakatuwa naman at nalaman ko pa ang donation stuff). Siyempre pa, sumama ako. Masaya naman, at maraming pumunta. Ang problema lang talaga ay napaka-humid (hoomid). Ubos ang lakas at tubig sa katawan dahil doon sa Ecomazing Race () at sa sobrang init.
  2. Linggo. Dahil na-miss ko lang, nagehersisyo ako, dito lang sa bahay. Pagkapawis ng sobra, naligo ako ng malamig. Hindi naman ganoon kaarte ang katawan ko na magkakasakit dahil doon. Pero may sinat na raw ako noong kinagabihan, pero hindi ko talaga masyadong naramdaman eh.
  3. Lunes. Pumasok ako, may tinapos sa opisina dahil ipinatapos ito. Tinamaan na talaga ako ng lagnat noon. Umabot sa 38° ang temperatura ng katawan ko ayon na rin sa nurse sa opisina. Pinag-ingat niya lang ako. Pinag-ingat. (Kailangan ko pa talagang ibenta)
  4. Martes, Miyerkules. Bagsak, bagsak.
  5. Huwebes. Nagpakunsulta na ulit ako sa doktor. Sumama si mom sa consultation room. Mukhang nanay na rin iyong doktor. Pina-CBC (complete blood count) ako. Normal naman daw ang red cell, white cell count (safe sa dengue at typhoid, tama ba? hehe) pero medyo mababa raw iyong platelet count na ibig sabihin ay kulang daw ako sa tubig. So pwede palang malaman kung dehydrated ang isang tao gamit ang platelet count :D. Napapangiti nalang ako dahil sinusumbong ako ni mom sa doktor na hindi raw ako kumakain ng gulay (kumakain kaya ako ng golay) at hindi umiinom ng tubig (umiinom kaya ako ng pobeg) atbp. Napapangiti nalang ako dahil wala akong magawa sa dalawang nanay na nagsesermon sa akin.
GG. Hindi ako makapagDOTA sa hilo.

Monday, October 13, 2008

mabilis lang

Dumating dito sa bahay sina Emman, Jerrick, Barqs, Nico, Irene, at Mamert. Na-miss nila ako kaya kumain, uminom at nag-DOTA kami dito sa bahay.
Nagdala si Jerrick ng epektus kaya gumawa kami ng jello shots, na mas masaya banatan tuwing lasingan. Wala nang sabit, lasang prutas pa.
Nagdala rin sila ng mga laptop tapos naglaro kami gamit ang GG client kami para maramihan at mas masaya. Parang buhay kolehiyo lang. Ayon sa aking ina iyong dalawa kong tropa, Nico (bihasa sa trash talk) at Barqs (aduk), ay hanggang ika-siyam ng umaga naglaro. Napakahihilig.

Kinabukasan, tumungo ako sa opisina, hindi para magtarbaho, bagkus ay para sumama sa pasyal ng mga katrabaho. Napadpad kami sa isang pribadong languyan sa Laguna. May nalasing dahil may beer, tequila at Baileys, may kumanta dahil may videoke machine, may lumangoy, may nagluto dahil maraming karne, may nagmaneho, may nangolekta ng pera, may nagbayad, may kumuha ng litrato, may palaka, walang nag-Wii, maliit kasi iyong T.V. Hindi ako nakatulog dahil may pusoy dos. Kinaumagahan noon, pumunta kami sa Los Banos. Dumaan kami sa UP, tapos umuwi na rin. Bibili sana ako ng yogurt (walang melamine dito), kaya lang naubusan eh.

Dalawang linggo bago iyon, nakalangoy at nakapagtampisaw din kami sa 9 waves sa Rizal. Nagustuhan ko roon. Unang-una, dahil nakakatuwa iyong resort, matindi iyong pools, may waves eh. Isa pa magaling iyong nagdisenyo nung lugar, kaaya-aya ang dating nito sa unang tingin pa lang.
Pinakanagustuhan ko roon ay ang mga tao nilang tapat at magiliw tumanggap sa panauhin. Maasikaso sila pag dating pa lang kaya nakaka-engganyo. Iyong katapatan nakita ko kasi nawala ko ang tatlong bagay doon, susi ng kwarto namin, tsinelas at wallet ko. Iyong susi ng kwarto kailangan bayaran ng limang daang piso kapag nawala. Tapos iyong wallet ko, ano, wallet ko iyon eh kaya sayang naman kung mawala. Sobrang makakasama ng loob kung nawala lahat, pero dahil sa mababait na tao roon, ibinalik sa amin iyong susi at wallet. Kaya masaya. Sa kasamaang palad, napakanta ako ng Kamikazee - Chinelas kasi may mabait na batang kumuha nung tsinelas noong nilagay ko sa gilid ng pool bago lumangoy. Pero masaya pa rin dahil bumili ako ng bago doon sa malapit na palengke. 180 iyong unang presyo sa akin nung babae, tapos noong lumabas iyong kasama niya at tinanong ko ulit, wampipty nalang kaya binili ko na.

Wala lang, nagpapasarap lang ng kaunti dahil tapos na ang apurahan ng proyekto namin.

Buod
Langoy, inom, kain, DOTA

Mga Pics:
Dito sa bahay galing kay Barqs
Dito sa bahay galing sa akin
Laguna galing kay Kat
Laguna galing kay Dian
Laguna galing kay Mitch
Laguna galing sa akin

Sunday, September 21, 2008

DOTA or your lovely girlfriend

So DOTA, yeah.

Many dudes play DOTA hoping to find a girlfriend.
Many dudes play DOTA who have a girlfriend ignore their girlfriend when playing.

So DOTA, yeah, weird.

Sunday, September 07, 2008

Anak na lalaki ng babaeng aso

Ano na nga ba ang nangyari?

Isang taon na ang lumipas mula noong napasok ako sa mundo ng consulting. Ganito pala ang pakiramdam kapag naka-isang taon na sa propesyon, wala. Pareho pa rin naman, sa totoo lang napakabilis lang talaga. Lalong lalo na kung ang pinagkakaabalahan ay buwan-buwan ang itinatagal. At lalo pa kung sunud-sunod na ganoon. Nakakatamad na talaga kapag ibang antas na ng pagdidii ang ipinaparamdam kahit na sobrang mahirap naman talaga ang pinapagawa. Does any one deserve that? (biglang nag-English amf)
Kung sabagay marami na rin akong natutunan dahil dito. Naiintindihan ko na rin ang ibig sabihin ng salitang kasanayan at karanasan. Masaya rin ako dahil nadaragdagan ang mga nakikilala kong taong mababait at may taglay na kakaibang kahusayan at dedikasyon.
Oo nga pala, hindi ako magbibitiw. Amp, hindi ito pamamaalam.

Tuyong-tuyo na ang utak ko. Iba na ito. Wala talaga akong maisip na isulat.

Saturday, August 02, 2008

Masakit

May sakit pa rin ako huhu

Kung sa unang tingin masarap ang magpahinga habang may sakit, malamang tama kung sakit na dulot ng pag-ibig o sakit ng kuko. Medyo alangan lang ako roon sa huli. Kuko iyon eh.

Alam mo iyong pakiramdam na pinanggigigilan mo iyong mga daliri ng paa mo? At kung ipit-ipitin mo ito gamit ang mga daliri na rin ng parehong paa ay parang wala nang bukas? Hindi? Ako rin eh. May nagkwento lang sa akin.

Sabi ni doc, "O sige bigyan nalang kita ng anti-biotic ha, but we shouldn't rule out Dengue". Natuwa naman ako.

Nanood ako ng feel good movie (John Rambo) kasi baka nga gumanda naman pakiramdam ko. Nagpapatayan iyong mga tao.

Wala lang nahihilo pa rin ako eh.

Sunday, July 20, 2008

Yak

Ano ba iyan, ang bilis talaga ng panahon. Halos isang buwan na rin ang lumipas mula noong huli kong tala. Kasi, siyempre, abala pa rin sa trabaho. Aabot pa kasi yata ng Setyembre ang proyektong pinagbubuhusan namin ng dugo. Dugo lang. :D Medyo nakakapagpabagabag nga lang kasi talagang kapansin-pansin ang opportunity cost ng pagbibigay ng maraming oras sa isang bagay. Maraming lumabas na tampuhan at samaan ng loob dahil nga ganoon. Pero iniisip ko nalang, kapag lumipas na itong ganito, alam na natin kung ano ang talagang dapat na binibigyan ng oras.

Isa pa sa mga distractions sa buhay ay ang klasikong larong Diablo 2. Nakakalibang kasi talaga sobra. Maganda na rin dahil hinihintayin pa naman nating lahat ang Diablo 3.
Maraming yumayaya sa aking mag-Cabal, kaya lang MMORPG nanaman? Sa panahon ng pagsulat nito, tumatanggi pa rin ako.

Nakapag-mall ulit ako matapos ang matagal-tagal ding panahon. Pansin ko lang, ganoon pa rin, marami pa ring taong gumagala, pero medyo manipis na yung dami ng mga public utility vehicles. Dito sa may amin, maluwag na ang mga kalsada ngayon na noon naman, lalo na kapag bandang hapon ng Sabado/Linggo, ay punong-puno ng mga sasakyan na pinagkakaguluhan ng mga barker at ibang pasahero. Sobrang taas na nga naman kasi ng presyo ng langis. Natawa ko roon sa sinabi ng isang kong katrabaho, paano na raw kaya kapag dumating na ang araw na isang daan na ang pamasahe sa tricycle. Kunwari pupunta ka lang sa kanto, tapos isang daan kaagad. Yak.

Wednesday, July 16, 2008

Ayaw/Gusto

Please, do not hard code.

String libraryPath = "/usr/you/your favorite IDE/lib/";

Don't ever send me code that contains something similar to the line above. Got it?

haha galit

Sunday, June 29, 2008

Ano fre?

Ano na nga ba...

Siyempre sobrang subsob sa trabaho itong nakaraang tatlong linggo. Malapit na rin kasi, sana, matapos iyong proyektong pinagkakaabalahan ng koponan namin sa opisina. Dahil doon, napaparami ang overtime.

Noong Biyernes, umabot kami ng mga ka-team ko ng bandang alas-tres ng umaga sa opisina. Pero nakanood kami ng One More Chance. Maganda iyong bandang simula, kaya lang kinulang sa wido ang katapusan. Sayang. Nakakatawa kasi may isang character doon na dapat bulag pero hindi ko naramdaman mula doon sa artista ang pagbibigay ng ganoong impresyon. Nalaman ko nalang na ganoon nga noong ipinaliwanag sa akin.

Anywho, bwisit talaga kasi naudlot nanaman ang balak naming makalabas ng Maynila para makapagpahinga ng saglit. Napapasok kasi kami nitong Sabado para matapos at maipadala ang mga kailangang ipadala sa kliyente.

Kailangan na ba ng bagong trabaho? Hindi.


Sa kabila ng pagod at paguubos ng oras sa trabaho, nakahanap pa rin ako ng oras para makapaglaro ng counter-strike at makapatay ng limandaang kalaban (ang cheezy).



Sa wakas, nabuhay nang muli ang Mac ko. Medyo matagal na rin itong natigang at nabulok dito sa isang sulok ng bahay namin mula noong ipinahiram ko ito at magkaroon ito ng problema sa motherboard dulot ng pagsaksak ng adapter nito sa isang tinotopak na linya ng kuryente. Moral lesson 1: gumamit ng AVR.

Dinala ko ito sa pagawaan ng mga laptop diyan sa may Ortigas. Sobrang masakit sa mataga kapag nagpapagawa ng ganitong mga bagay. Pakiramdam yata kasi ng mga nagbabantay sa mga pagawaan ay maraming pera ang sinumang nagpapagawa sa kanila.

Pagkatapos magawa iyong powerbook, nalaman kong sira rin pala yung adapter. Medyo naputol kasi yung kable.

Humanap ako ng mga pwede kong gawin para maayos ito. May sinundan akong gabay at umabot ako sa puntong nakalas ko na iyong pangkabit noong adapter sa powerbook.

Kaya lang, wala akong pang-solder, hindi ko na naituloy ang pagtatangka kong ayusin ang adapter. Nagpasya akong ideklarang it's too technical. Moral lesson 2: Huwag masyadong magmagaling.

Ipinagawa namin iyong adapter sa technician diyan sa labas. Noong first pass hindi ito gumana. Noong second pass gumana na ito kaya happy happy.



Bagong tabas ang buhok sa pangunahing ulo. ...


Talo ang Lakers, pero panalo naman si Pacquiao laban kay Diaz. No match naman e. Natawa ko dahil nagpakuha pa ng litrato si Manny doon sa tumalo sa Lakers pagkatapos ng laban niya. "Number One" fan pa raw si Manny noong KG. Tapos si KG din daw "Number One" fan ni Manny. Ikaw na ang maging Number One fan.


Nakakasabik ang paglabas ng Devil May Cry 4 para sa PC, kahit medyo magaganda lang ang mga nababanggit ukol sa larong ito.
Nakakasabik pa rin ang Starcraft 2, kahit sobrang tagal na nang panahong lumilipas para sa sinasabi ng Blizzard na "game that is as fun, balanced, and polished as possible".
At lalo pang nakakasabik dahil magkakaroon na rin ng Diablo III.

Shet. Paglabas ng mga larong iyan, gagamitin ko na talaga ang mga leave ko (half-day pa lang ang nagamit ko, ever since the world began, nakakatamad kasi mag-file ng leave, it's too technical). Sabik ako.

Friday, June 13, 2008

Soul Eater IHBT

I have been trolled. Thanks to Dattebayo for publishing [DB]_Naruto_Soulppuuden_063_[4B688044]. You had me at Naruto. I got this anime instead of my weekly dose of Narutardness. In order to properly utilize the time and bandwidth spent on retrieving this episode, I just watched anyway.

The anime starts with these images
  • A Tsubaki flower (Camellia) floating on water.

  • A cute little girl named after the flower holding a ball (I think it's for cats) while smiling.
  • Then it's about death and grim reapers

Parody of the Intro Lyrics by Dattebayo:
Man that Kid has a really lame headband.
Oh look his arm's about to transform!
Now he is a scary looking scythe.
Could this be any more dumb?
I can't believe they used this song for this show.
It's so undeserving of such a wonderful song.
This show seriously bites,
but it's better than One Piece.
This animation style reminds me of Animaniacs.
Man, now that was a great show!
I can't want until this show is over.
Is anyone else ready to nap?
Japan is running out of ideas of shows.
It's becoming just like Hollywood.
I don't understand why I thought it'd be fun.
Now it's time for more of the show. :-(

This anime is a cocktail of the following:
  • Grim Fandango and Bleach with the Shinigami stuff

  • Haruhi and Genshiken with the stating the obvious style of comedy and the touch of ecchi in every episode


    Yes, that is the grown-up version of the cute little girl earlier
  • Naruto with the big ego character who is always mad for added effect
  • Death Note with the freaky drawings.
The characters look similar to those from One Piece and from Full Metal Alchemist. FYI the character designer for FMA and this show is Yoshiyuki Ito.





The character with the chain weapon is named Black Star but when it is pronounced, it sounds like rakustar (Rockstar). It is really, really awkward.

*Tsubaki transforms into the chain that Black Star
"Black Star, please be gentle with my weapon body."

*Black Star using some sort of chain barrier while the enemy attacks
"There's no way he can break through because he is just a minor character!"

Pass. Next anime please.

Thursday, June 12, 2008

Araw ng Kalayaan Nanaman

Araw ng Kalayaan Na Naman
O Kay tulin ng araw
Araw ng Kalayaang nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Araw ng Kalayaan
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Araw ng Kalayaan
Tayo ay mag-awitan

Araw ng Kalayaan, Araw ng Kalayaan
Araw ng Kalayaan na namang muli
Tanging araw na ating
pinakamimithi
Araw ng Kalayaan, (araw ng kalayaan), Araw ng Kalayaan (araw ng kalayaan)
Araw ng Kalayaan na namang muli
Ang pag-ibig
naghahari