Thursday, May 07, 2009

looking for a web host?

Click the following link to find the best dedicated server hosting for your needs. They call their site web hosting geeks. This is a pretty nifty and useful site with website reviews. It is similar, in effect, to an amazon website for web hosts.

It has a section that lists all those web servers that other people recommend and use. For instance, click this link to see a list of budget web servers.

What I like about this site is their review system. Users get to review and rate websites based on the following criteria:
  • Technical support
  • Customer support
  • Software
  • Traffic
  • Reliability & Uptime
  • Space
  • Price
  • Quality
  • User-friendliness
This is probably the best thing about web host shopping because feedback from the current users of the web host is information needed by prospective buyers.

Of course, the most interesting part of reviews is the user comments. That is probably where prospective buyers can get relevant information based on user experience regarding a web host. It is a good guide that can determine whether a particular web host is well suited for the needs of a person or business.


I personally used this site to find a web server for my own purposes.

Tuesday, May 05, 2009

Professional views regarding the 2008-2009 NBA MVP

tute_san: tsktsk
tute_san: pinagbigyan kasi bata
nico_heart14: sus
nico_heart14: LBJ MVP at 24
tute_san: binigay na kasi bata
tute_san: naawa
nico_heart14: hahaha
nico_heart14: bata na nga lang di pa natalo
nico_heart14: hays.
nico_heart14: natalo pa ngaun
nico_heart14: hays....
tute_san: :))
tute_san: finals mvp na raw ang habol ni kobe
tute_san: kaya binigay na niya
nico_heart14: ?_?
tute_san: para di swapang
nico_heart14: ahihi
nico_heart14: cge na nga
tute_san: :))
nico_heart14: para may laban ng kaunti
nico_heart14: para maganda naman ang finals
tute_san: hahaha, di ata papalusutin ni ray allen si lebron e
nico_heart14: sus
nico_heart14: ray allen lang
nico_heart14: at least pala ray allen
nico_heart14: eh si kobe
tute_san: ay ni edde house pala
nico_heart14: kay artest lang
tute_san: :))
nico_heart14: no match naman si kobe kay taulava eh
tute_san: sus sama mo pa si ej file
nico_heart14: sus
nico_heart14: eh si kobe nga idol nya si bonel balingit eh
tute_san: :))
nico_heart14: tapos si bonel idol si lebron
tute_san: uu tapos si lebron idol si kobe
tute_san: yun
tute_san: la e
tute_san: best footwork in the nba raw
nico_heart14: puro paa lang
tute_san: uu nga e, paa pa lang bilib na si lebron, pano pa kaya pag nagturn around fade away jump shot na? tsktsk
nico_heart14: tapos susupalpalin lang ni lebron nu?
nico_heart14: ganun talaga
tute_san: di naman mangyayari yun e, masyadong malakas ang pwersa ni kobe para masupalpal lang ng isang hamak na lebron
nico_heart14: ah. si serbriak nalang pala. kasi hahayaan na ni lebron. tambak naman kasi ng 50 pts.
tute_san: dong, baka nakakalimutan mo na hindi hahayaan ni buyacheech na maging ganon kataas ang lamang ng kalaban
nico_heart14: ay pota
nico_heart14: ayaw ng ganyan ni brazilian boy baradiao nyan
tute_san: si carlito?
tute_san: sabihin mo sa kanya mag-wrestling nalang
nico_heart14: ahihihi
nico_heart14: may umaapela, sali naman daw si pablobitch
nico_heart14: wala na daw sya playing tym
tute_san: sus kahit buong team cavs pa, kobe + buyacheech lang, match na
bale walong cavs + dalawang lakers para mukhang 5 on 5 pa rin
nico_heart14: at least hindi daw rapist. :D
tute_san: :))
tute_san: dude yung babae ang may kasalanan, nagpakita ng motib dahil sobrang nagalingan kay kobe
nico_heart14: at least di daw asa kay shaq.
tute_san: ano ka ba dude, si shaq ang asa kay kobe, like umasa siya kay dwayne wade, kaya lang wala nang naasahan sa suns (sayang wala si emman)
nico_heart14: at least wala na ung team ni emman. ahihihi
tute_san: :))
tute_san: yun ok na

Thursday, January 29, 2009

hindi ako naligo

29-Jan-2009
Walang tubig sa apartment. Nasira raw iyong mga tubo nila dahil umabot sa 40+ degrees celsius ang temperatura.

Monday, January 26, 2009

Bumili ng camera

Para makalimot sa nawalang gamit, regaluhan ang sarili.

Thursday, January 01, 2009

magandang bagong taon

Nawala ko iyong office laptop na naka-assign sa akin kanina. Naiwan ko sa tricycle noong papunta kami ni Mommy sa mga kamag-anak namin sa East Rembo para salubungin ang bagong taon. Naalala ko lang na naiwan noong pagkapasok namin sa loob ng bahay ng tita ko. Sinubukan naming hanapin iyong tricycle, kaya lang mukhang umuwi na kaagad noong nakita niya ang bag. Jackpot.

Dagdag aginaldo pa kay Mr. honorable tricycle driver, courtesy of me, ay digital camera, coin purse, at iyong gifts ni current project director na corporate thumb drive and backpack. Enjoy! That guy, where ever he is, must be having the time of his life right now. Good for him; bad for me.

Ano pa nga ba, wala na akong magagawa, tanggap ko na, pay up, patay ako, bawi nalang sa susunod.

The year 2008 was nice. It sucks so much that I had to get fucked up at the very end.

Happy new year.


Shit.

Friday, December 19, 2008

Bicycley

Mga kwentong walang sense noong mapadpad sa AUD land.

Immigration
First time kong makapasok sa terminal ng paliparan.
Pero hindi pala exciting, kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nag-iisa pa nga pala ko kaya dagdag kaba.
Nangapa nalang ulit ako sa mga proseso sa loob, naalala ko tuloy ang enrollment noong kolehiyo, hindi ko makabisado kahit paulit-ulit ang proseso kaya sumusunod nalang sa mga kasabay.
Kaya ganoon nalang din ginawa ko. Tumitingin-tingin, at nakikiramdam. Bigla nalang natapos yung pag-check-in ng bagahe, pagkuha ng boarding pass, pagbabayad ng airport fee.
Pagkatapos ng mga iyon, napadpad ako sa booth ng immigration officer.
Nitignan niya yung passport tapos naghahanap siya ng CFO.
Siyempre, hindi ko alam iyon.
Sabi niya itanong ko raw sa information center. Pumunta ako sa information center at tinanong iyong babaeng nagbabantay doon. Hindi rin siya familiar kaya tinawagan niya ang isang visa expert at pinakausap niya sa akin.
Tinanong ko siya kung bakit ako hinahanapan ng CFO (hindi ko na tinanong kung ano iyon).
Sinagot niya ko gamit ang tanong na, "Anong class iyong nakasulat sa VISA mo?" "Class UC", sagot ko.
Ang sabi niya hindi na raw kailangan ng CFO dahil working VISA iyong hawak ko.
Nagpasalamat ako sa mga tumulong sa akin at bumalik sa immigration officer.
Sinabi ko sa kanya na hindi na pala kailangan ng CFO dahil working visa nga iyong hawak ko.
Ang sagot niya "Ano? Working ka na?" "Ilang taon ka na?" "San ka...". to top it all she asked "may girlfriend ka na?".
I left.
Just kidding, I smiled at her, and then I left.

zz
Isang umaga, habang naglalakad ako papunta sa opisina, may bumubulong na lalaking Australian sa may tabi ko narinig ko parang "they get these Filipinos to work here". Bahala siya.
Iniisip ko kung paano niya alam na Pinoy ako eh.
Ibig yata sabihin noon mukha talaga akong Pinoy.
Tapos may isang gabi bumili kami ng hamburjer sa isang fastfood chain. Sa pila, sa harap ko, may bumibiling matandang naka-scarf na babae medyo nakangiti tapos biglang harap siya sa akin at nagtanong, "Chinese?" Siyempre nagulat ako, bakit niya ako tinatanong kung Intsik ako? Sinagot ko nalang ng masarap na, "Nah". Pagkatapos, lahat nalang ng nationality sa Southeast Asia tinanong na niya sa akin. "Malaysian?" "Vietnamese?" "Indonesian?" "Cambodian?" "Singaporean?" At pinakahuli, "Filipino?". Siyempre sinagot ko ng takang-takang "Yes". Kinuha niya yung order niya tapos umupo na at kumain. Ngayon ko lang napansin, mahusay siya sa Geography. Buti nalang at mahusay siya roon at hindi niya ko napagkamalang taga-Middle East.

Vocabulary check
bicyclely -> basically
emm -> umm
mum -> mom
trem -> tram
dinnah -> dinner
oh! wow! -> oh! wow!
nah der -> not there
deebahg -> debug
dota -> daughter
dota -> DOTA
ax -> ax
ax -> ex
RMI -> RMA
RMI -> RMI
done and dusted -> it's over
Homeless -> analog nila sa mga pulubi natin, at sobrang pinagkakatuwaan nila sa opisina. Kunwari may natirang pagkain o kahit anong mukha namang mapapakinabangan, "give it to the homeless" ang banat nila)

Ibang Buhay
Malamig doon, kahit summer. Todo rin iyong summer solstice (nakaka-miss iyong mga science classes ni Mrs. Ison noong grade 4). 9 p.m. may sinag pa ng araw na maaaninag sa kalangitan. Medyo nakakainis iyon, kasi sa Pinas bandang 5:30 p.m. palubog na ang araw, so naghahanda na umuwi, err, minsan. Doon dahil may araw pa, at abala sa tarbaho, di na rin mamamalayang lampas 6 p.m. na. Masama iyon lalo na sa mga 9-6 people.

Masarap mag-internet sa Pilipinas, walang limits sa download/upload. Grabe 6GB download/upload a month lang ang nakuha naming internet. Ang maganda lang fully wireless na siya.

Nakakatuwa dahil nakikita ko sa pangpublikong sasakyan ang mga bagay na application ng ginagawa namin sa trabaho. Siyempre hindi ko rin maiiwasang malungkot dahil hindi yung nakakaraming Pinoy ang nakikinabang sa mga bagay na ginawa namin.

Movies Watched
21 -> no comment.
tropic thunder -> sobrang violent, may funny parts, advertising (sobra yung isang scene kelangan pang i-flash ni tom cruise yung magazine)
resident evil degeneration -> masaya naman, awesome graphics

Work Frustrated
The only thing they know is it doesn't work. "It doesn’t work". Puro ganoon ang bukang bibig.

Inaantok talaga ko kapag nakikinig ako sa nakikipag-usap sa akin ng sobrang mabilis na ingles. Mga 70% lang ang naiintindihan ko sa sinasabi nila sa sobrang bilis. May isang beses tinanong ako "So when are you going to pass that defect for retest?" Bago ko na-parse iyong buong sentence ang narinig ko lang "@! when $*& *#u !@$#% %^ pass z@!# defect @#$ $#test?"
May naka-small talk nga ako, designer siya. ang nagets ko lang "I shouldn't have joined this project". Sabi ko "Good point". Tapos all else na sinabi niya, feeling ko naman is reklamo, so tumatawa nalang ako hahaha.

Sa dinami-rami ng ginawa mong tama, walang makikita roon, ang makikita (or tinitignan talaga) yung shortcomings mo. Hindi ba nakaka-demoralize?

May idagdag ka lang na simpleng logic sa isang code, kapag hindi na mapagana, ikaw ang sisisihin. Wala kasing maisip na pwedeng masisi. Tapos matapos mo imbestigahan, makikita mong mali lang iyong setup ng data nila. Sayang oras.

You know what's funny though, I CAN go to work on time, early even. That's very rare.

You have to ditch some of the processes in order to make the deadline.

May characteristic type, kinabit sa premise entity, tapos hinahanap-hanap sa sp type characteristics, galit na galit pa dahil hindi makita.

Paano mo gagawing: nagsusupport sa testing, gumagawa ng defects, gumagawa ng iba pang defects, something's got to give.

Noong una okay lang lahat ng testing eh, connected kami sa main server and pwede kaming magtest doon gamit ang debugging software and stuff. Biglang naglipat sila ng server tapos kaming mga developer walang access! Hindi kami makakonek sa database. Ang hirap tuloy umayos ng defects.

Why should you deliver software correctly? So that it will work.


Babalik for more bicycleying after the holidays.

Tuesday, December 16, 2008

Naruto Shippuuden

  • The saving your friend/brother drama that Naruto presents is still effective on me. Yes, I still remember the first season.
  • Any anime, whether is starts good or not, that has characters with exponential "powers" will eventually become a Dragon Ball clone. This show is not an exception.




Yes, I'm a Narutard!

With only the fourth tail of the nine tails, Naruto is Son Gouku like already.


Pain
The Pain arc is good.
Pain resurrecting everyone is cheezy! Cheezy!

Thursday, October 23, 2008

kwentong may trangkaso

Ganito nangyari:
  1. Sabado. Oracle Global Volunteer Days. Pumunta sila sa La Mesa Watershed. (Dahil napadpad ako sa website nung watershed, nakakatuwa naman at nalaman ko pa ang donation stuff). Siyempre pa, sumama ako. Masaya naman, at maraming pumunta. Ang problema lang talaga ay napaka-humid (hoomid). Ubos ang lakas at tubig sa katawan dahil doon sa Ecomazing Race () at sa sobrang init.
  2. Linggo. Dahil na-miss ko lang, nagehersisyo ako, dito lang sa bahay. Pagkapawis ng sobra, naligo ako ng malamig. Hindi naman ganoon kaarte ang katawan ko na magkakasakit dahil doon. Pero may sinat na raw ako noong kinagabihan, pero hindi ko talaga masyadong naramdaman eh.
  3. Lunes. Pumasok ako, may tinapos sa opisina dahil ipinatapos ito. Tinamaan na talaga ako ng lagnat noon. Umabot sa 38° ang temperatura ng katawan ko ayon na rin sa nurse sa opisina. Pinag-ingat niya lang ako. Pinag-ingat. (Kailangan ko pa talagang ibenta)
  4. Martes, Miyerkules. Bagsak, bagsak.
  5. Huwebes. Nagpakunsulta na ulit ako sa doktor. Sumama si mom sa consultation room. Mukhang nanay na rin iyong doktor. Pina-CBC (complete blood count) ako. Normal naman daw ang red cell, white cell count (safe sa dengue at typhoid, tama ba? hehe) pero medyo mababa raw iyong platelet count na ibig sabihin ay kulang daw ako sa tubig. So pwede palang malaman kung dehydrated ang isang tao gamit ang platelet count :D. Napapangiti nalang ako dahil sinusumbong ako ni mom sa doktor na hindi raw ako kumakain ng gulay (kumakain kaya ako ng golay) at hindi umiinom ng tubig (umiinom kaya ako ng pobeg) atbp. Napapangiti nalang ako dahil wala akong magawa sa dalawang nanay na nagsesermon sa akin.
GG. Hindi ako makapagDOTA sa hilo.

Monday, October 13, 2008

mabilis lang

Dumating dito sa bahay sina Emman, Jerrick, Barqs, Nico, Irene, at Mamert. Na-miss nila ako kaya kumain, uminom at nag-DOTA kami dito sa bahay.
Nagdala si Jerrick ng epektus kaya gumawa kami ng jello shots, na mas masaya banatan tuwing lasingan. Wala nang sabit, lasang prutas pa.
Nagdala rin sila ng mga laptop tapos naglaro kami gamit ang GG client kami para maramihan at mas masaya. Parang buhay kolehiyo lang. Ayon sa aking ina iyong dalawa kong tropa, Nico (bihasa sa trash talk) at Barqs (aduk), ay hanggang ika-siyam ng umaga naglaro. Napakahihilig.

Kinabukasan, tumungo ako sa opisina, hindi para magtarbaho, bagkus ay para sumama sa pasyal ng mga katrabaho. Napadpad kami sa isang pribadong languyan sa Laguna. May nalasing dahil may beer, tequila at Baileys, may kumanta dahil may videoke machine, may lumangoy, may nagluto dahil maraming karne, may nagmaneho, may nangolekta ng pera, may nagbayad, may kumuha ng litrato, may palaka, walang nag-Wii, maliit kasi iyong T.V. Hindi ako nakatulog dahil may pusoy dos. Kinaumagahan noon, pumunta kami sa Los Banos. Dumaan kami sa UP, tapos umuwi na rin. Bibili sana ako ng yogurt (walang melamine dito), kaya lang naubusan eh.

Dalawang linggo bago iyon, nakalangoy at nakapagtampisaw din kami sa 9 waves sa Rizal. Nagustuhan ko roon. Unang-una, dahil nakakatuwa iyong resort, matindi iyong pools, may waves eh. Isa pa magaling iyong nagdisenyo nung lugar, kaaya-aya ang dating nito sa unang tingin pa lang.
Pinakanagustuhan ko roon ay ang mga tao nilang tapat at magiliw tumanggap sa panauhin. Maasikaso sila pag dating pa lang kaya nakaka-engganyo. Iyong katapatan nakita ko kasi nawala ko ang tatlong bagay doon, susi ng kwarto namin, tsinelas at wallet ko. Iyong susi ng kwarto kailangan bayaran ng limang daang piso kapag nawala. Tapos iyong wallet ko, ano, wallet ko iyon eh kaya sayang naman kung mawala. Sobrang makakasama ng loob kung nawala lahat, pero dahil sa mababait na tao roon, ibinalik sa amin iyong susi at wallet. Kaya masaya. Sa kasamaang palad, napakanta ako ng Kamikazee - Chinelas kasi may mabait na batang kumuha nung tsinelas noong nilagay ko sa gilid ng pool bago lumangoy. Pero masaya pa rin dahil bumili ako ng bago doon sa malapit na palengke. 180 iyong unang presyo sa akin nung babae, tapos noong lumabas iyong kasama niya at tinanong ko ulit, wampipty nalang kaya binili ko na.

Wala lang, nagpapasarap lang ng kaunti dahil tapos na ang apurahan ng proyekto namin.

Buod
Langoy, inom, kain, DOTA

Mga Pics:
Dito sa bahay galing kay Barqs
Dito sa bahay galing sa akin
Laguna galing kay Kat
Laguna galing kay Dian
Laguna galing kay Mitch
Laguna galing sa akin

Sunday, September 21, 2008

DOTA or your lovely girlfriend

So DOTA, yeah.

Many dudes play DOTA hoping to find a girlfriend.
Many dudes play DOTA who have a girlfriend ignore their girlfriend when playing.

So DOTA, yeah, weird.

Sunday, September 07, 2008

Anak na lalaki ng babaeng aso

Ano na nga ba ang nangyari?

Isang taon na ang lumipas mula noong napasok ako sa mundo ng consulting. Ganito pala ang pakiramdam kapag naka-isang taon na sa propesyon, wala. Pareho pa rin naman, sa totoo lang napakabilis lang talaga. Lalong lalo na kung ang pinagkakaabalahan ay buwan-buwan ang itinatagal. At lalo pa kung sunud-sunod na ganoon. Nakakatamad na talaga kapag ibang antas na ng pagdidii ang ipinaparamdam kahit na sobrang mahirap naman talaga ang pinapagawa. Does any one deserve that? (biglang nag-English amf)
Kung sabagay marami na rin akong natutunan dahil dito. Naiintindihan ko na rin ang ibig sabihin ng salitang kasanayan at karanasan. Masaya rin ako dahil nadaragdagan ang mga nakikilala kong taong mababait at may taglay na kakaibang kahusayan at dedikasyon.
Oo nga pala, hindi ako magbibitiw. Amp, hindi ito pamamaalam.

Tuyong-tuyo na ang utak ko. Iba na ito. Wala talaga akong maisip na isulat.