Monday, January 22, 2007

Erap Jokes and The Upcoming Election

Si Erap nakabasag ng vase sa museum...

Attendant: Naku sir! Mahigit 500 years na po yang vase!

Erap: Asus! Kinabahan naman ako sa'yo! Akala ko bago!

--------------------------------------------------

Erap: Lintik na shampoo ito! Ayaw bumula!

Maid: Kasi po hindi pa po basa buhok niyo.

Erap: Tanga! For dry hair nga eh! Bobo ka ba?!

--------------------------------------------------

Erap on Game Ka Na Ba?

Kris: What is the chemical symbol of water?

Erap: HIJKLMNO

Kris: Huh?! Sino nagsabi sa inyo?

Kris: Yung titser namin sabi H to O raw.

--------------------------------------------------

Ang dami na namang kumakalat na Erap jokes lately sa text. Naaalala ko matagal nang nawala ang mga ito. Noong Media Studies ko, nabanggit ng aking titser na ang nagpapalaganap ng mga ito ay ang kampo rin mismo ni Erap. Parang paraan na rin ng pangangapanya.

Sa ngayon, sa tingin ko ganoon pa rin. Sobrang halata naman, kung kailan malapit na ang eleksyon, doon babanat. Pareho paring pulitika ang ugat.

Ganyan mangampanya sa makabagong panahon, tamang exposure. Binoboto kasi ng karamihan yung kung sino yung kilala nila.

Ang husay.