Kumain kami kagabi sa Don Henrico's. Plano kasi ng block naming kumain sa Mang Inasal at manood ng Night At The Museum, kaso minalas at pinalitan yung palabas, naging Agent X44. Kaya yun, nawalan ng gana yung iba naming block mate kaya tatlo lang kaming natuloy, tapos sumama si Kuya Alvin, kaya apat kami.
Umalis kami ng unibersidad ng mga 8 ng gabi at dumiretso sa Mang Inasal. Pagdating namin, laking gulat ko nung nakita kong fastfood pala yun. Akala kasi namin restaurant tapos may bulk orders. Kaya yun, para busog, nag-DonHen kami.
Nakakainis talaga yung ibang mga taong mayaman, kung maka-order sa mga kainan eh yung tipong inorder na lahat nung nasa menu. Tapos pagkatapos nila kumain, makikita mong halos walang binawas dun sa in-order. Hindi man lang naisipan ipabalot at kainin sa bahay. Nakakainis dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo, sila pa yung nagkaroon ng pangbili ng pagkain. Dapat sa mga yun hindi pakainin ng isang linggo.
Hindi talaga makatarungan ang mundo.
Nakakatawa yung isang waitress dun sa DonHen. Nung sinabi namin na magbabayad na kami, bigla ba namang humudyat na yung kamay niya eh parang hinihiwa yung kanyang lalamunan. Para bang totodasin kami. Grabe naman kasi yung protocol nila, napakakakaiba.
Umuwi na kami pagkatapos ng kainan. Hindi na kami nanood ng sine.
Pag-uwi ko sa bahay, nung hinila ko yung pintuan sa likod (backdoor), nakasara. Yun nga lang may nanonood ng telebisyon sa may sala. Nung naramdaman ko nang nakasara at tumunog yung pinto dahil sa pagkakahila, may nagbukas nung pinto.
Nung umaga noong araw na iyon, sinabihan na ako ng aking kakwarto na baka makitulog yung kaibigan niya sa kwarto namin. Kaya nung pagpasok ko sa kwarto, hindi na ako nagulat nung may nakita akong nakabulagta sa kutson na laking gulat ko at nasa sahig. Inisip ko nalang, bakit kaya tinanggal pa niya sa double deck yung kutson? Gustong-gusto niya siguro sa sahig.
Ang talagang nakaagaw ng pansin ko ay ang hilik nilang dalawa. Grabe, talagang malakas. Matagal na rin akong hindi nakarinig ng hilik symphony. Para bang hirap na hirap sila huminga. Kaya yun, ni-record ko. XD