Sunday, February 18, 2007

Cyber Whiz, and so on

Nung sabado, nagpa-quiz show ang organisasyon namin sa school. I.T. quiz show na swabe, Cyber Whiz. Tamang pangalan lang.
Marami rin namang naging interesado, member man ng org or contestant, sa patimpalak na yun kaya naging ayos naman yung flow ng events.

Tapos nun, nagbasketball kami, siyempre sa court. Wala lang, limahan, dahil matagal na ring natapos ang intrams, na hindi man lang kami nanalo, XD. Na-miss lang namin.

Tapos siyempre DOTA.

Kanina naman, maaga ako sa school dahil pupunta kami kina Emman para manonood ng NBA All-Star. Nakaka-enjoy pa rin naman ang mga patimpalak nila. Malaki rin yung mga premyo. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming mga NBA players ang mayaman, overpaid. Kung ano pa man, nakakatuwa talaga yung dunk ni Dwight Howard. Maganda yung idea niyang maglagay ng sticker ng mukha niya doon sa abot ng reach ng kamay niya. Eh ang taas. Nakakatuwa tuloy. Isa pang nakakatuwang event sa all-star this year ay yung Dick Bavetta vs. Charles Barkley marathon. Talagang pinatulan pa ni Barkley ang 67 year old referee na si Bavetta. Nakakatuwa rin naman yung ending kasi makikita talagang katuwaan lang yung ginawa nila.

Tapos umuwi na kasama si Nico.

Tapos nag-Devil May Cry nanaman ako. Wala lang na-miss ko rin eh. Si Nico naman nag-Megaman, hindi ko lang talaga alam kung bakit.

Ngayon, narito ako sa isang internet shop. Pinapatay kasi nila ang internet access sa school kapag weekend. Ang bilis ng internet dito kaya nga nangagalap na ako ng mga na-miss kong episodes ng death note, hehe. Wala na palang Maging Sino Ka Man sa youtube. Siguro nakita ng ABS-CBN. Bakit ko nga ba kasi pinapanood yun?

May exam nanaman ako bukas. NatSci 3. Ayoko na.

Yung thesis namin halos tapos na, testing and more documentation nalang. Malaki na nga yata ang chance naming gumraduate. :D Pero hindi pa rin ako magsasalita ng tapos.