Monday, June 04, 2007

Job hopping, Pasukan, Pagtaba

Masaya naman ako sa trabaho. Malapit na nga akong mag-resign eh. Ang saya 'di ba?
Gusto ko kasi gusto yung nangaasikaso. Isang buwan na kami roon wala pa kaming I.D. Hindi pa rin sinasabi sa amin yung key responsibilities namin. Basta puro programming lang ang pinapagawa tapos field trips to Cavite and Laguna. Medyo rush na rin yata kasi yung project na pinapaasikaso, pero kahit na. Maganda nga yung sahod, pero kung hindi ka naman happy, sa tingin ko, wala rin. Baka nga next week lumipat na ako. Sabi nila baka masama raw ang maging impression ng mga employer sa akin dahil sa mabilisan kong pag-alis sa trabaho, sa akin naman, okay lang.

Ang dami nang mga naka-uniform. Natuwa ako, unang pasukan kasing hindi ako nag-enroll. Hindi na "muna" ako papasok sa iskwelahan. Naalala ko lang, parang pinangarap ko yatang mangyari ang mga sandaling ganito noong high school. Para bang katuparan ng mga pinangarap ko ang bawat sandaling nangyayari ngayon.

Ang payat ko pala noong high school, nakita ko kasi yung isa kong picture. Ang laki na rin pala ng pagbabago sa hitsura ko. Kung ano man ang nangyayari sa buhay, apparently, I'm getting fat. Lumolobo na yung tiyan ko. Hindi naman ako kulang sa ehersisyo at lakad. Hindi rin naman ako ganoon kalakas kumain. Kapalaran ko nga ba ang tumaba?