Saturday, December 22, 2007

Awesome Futuristic Vehicle

Aptera's Super-MPG Electric Typ-1 e
  • Good looking and environment "friendly" vehicle
  • Registered as a motorcycle
Wa, stunning.

Click here to watch a test drive video. Or here to see their website.

Monday, December 17, 2007

Reality Work (Show)

Nagtanggalan na sa tARbaho. Isa ako sa mapapalad na pumasa sa halos apat na buwan at matinding pagsasanay upang maging isang regular na taga-develop sa kumpanyang pinapasukan.

Medyo makabagbag-damdamin, lol, ang karanasang ito para sa karamihan ng mga kagrupo ko. Mahirap kasi talaga na bigla nalang maaalis ang iba lalo na ngayong papalapit ang Pasko. Isa pa maganda na rin kasi ang pagsasamahan ng grupo.

Noon, hindi talaga ako naniniwalang nalulungkot ang mga naiiwang kalahok sa mga reality T.V. shows. Pakiramdam at tingin ko ay pakitang-tao lang ang ginagawa at ipinapakita nila dahil pinapanood nga sila. Parang ginagawa lang nila kung ano ang tanggap na ugali sa lipunan. Ngunit ngayon, dahil siguro sa pagkakabigla, para bang naiintindihan ko na rin ang iba sa kanila. Ngayon ko lang naiintindihan ang nakikita kong kilos ng mga natitirang kalahok kapag may naaalis na iba (ang korny).

Iba talaga kapag may nabuo nang pagkakaibigan.

Nakakalungkot pero tuloy lang ang buhay. Wala namang namatay. Magkakaibigan pa rin naman kahit hindi na magkasama sa trabaho.

Sunday, December 16, 2007

Siyempre May Pasok Bukas at Gising Pa Ako

Game.
  • Puro fastfood ang pinaglalamon ko nitong weekend. Taba kung taba. Bilbil kung bilbil.
  • Superbad. Pinanood namin ito. Isa itong pelikulang nagpapakita ng mga kabulastugan ng ibang binatilyong/dalagitang Amerikano pati na rin ng mga pulis nila. Nakakabuwisit itong panoorin.
  • Makukuha ko na sa Biyernes, harinawa, ang college yearbook at diploma. Pupunta kasi kami, mangyari sana, sa Baguio para sa Pasiklaban. Wala na akong balita sa highschool yearbook.
  • Hindi natuloy ang tanggalan sa tARbaho nitong nakaraang Biyernes, bukas nalang daw ng hapon.
'Yun lang.

Saturday, December 15, 2007

Genshiken

Gendai Shikaku Bunka Kenkyūkai; The Society for the Study of Modern Visual Culture. It sounds like an academic group of some sort. It is actually a club of Otakus dedicated not to study but, as I get it, to enjoy anime and video games.

So I watched the series because I got intrigued with the statement of one of my co-workers. He said that it's an anime about otakus. For me, it's something fresh so I checked it out.

Some thoughts:
  • Every episode is like a thesis written for a specific aspect of the subculture that brought about the existence of the Otakus. All of the episode titles are long and wordy. Instances are, "Comparative Classification of the Modern Youth through Consumption and Entertainment" (otaku shopping...), "The Sublimating Effects of the Dissimulation Brought on Through Makeup and Costume on Mental Obstacles" (cosplaying...) and "Concerning the Existence and Non-Existence of Explanatory Duties Under Specially Confined Circumstances" (h-games and otaku human interactions...).
  • The club idea has been expounded with the fact that, every school year, new members are recruited while others graduate. This implies that new characters are introduced while some are somehow detached.
  • The thinking in terms of characters attitude. The otakus look at a person as an anime/manga character. For example, if you generally look displeased, you are the unsociable character or if you are a childhood friend of someone, then you are the childhood friend character.
  • The voice actress for Saki Kasukabe, Satsuki Yukino, is also the same voice actress for Kaname Chidori of Full Metal Panic! Coincidentally, both characters have similar personalities. That plus the fact that I didn't notice any variation in her voice acting made it seem like Kaname all over again.
What I like about this show is it arouses the idea of studying, in depth, new art forms, its effects, and manifestations, in a certain culture. It also reminds me to spend less time in front of the computer and television.

After this experience, it would be enriching to read on papers/articles concerning dominant art forms like variety shows, telenovelas, text messages and streamline pocket books in the modern Filipino setting.

Thursday, December 13, 2007

tARbaho at nalalapit na Pasko

Work Christmas Party
Ginanap kahapon ang Christmas party. Napasayaw ako ng wala sa oras matapos ang matagal na panahong pagpapahinga ng aking happy feet.
Ganito ang naaalala ko sa mga naganap sa pagtitipon: Lupang Hinirang, dasal, balitang pinakahuli at pinakasariwa ukol sa trabaho, kainan, awards, sayawan, umbrella, kantahan, zombie, long island, mohito, margarita, dry martini, tequila shots, lol, tipsy, uwi.

Deliberations
Kaalinsunod ng masayang pagtitipong iyon para sa Pasko, bukas, magaganap ang desisyon kung may matatanggal sa kung sino man sa mga kasabay kong pumasok sa kumpanya. Parang reality T.V. show lang. Kaya habang masaya pa ako, Merry Christmas in advance to all!

Tuesday, December 04, 2007

Ulo ng Balitang Nasa Sulok

"Babae sumabak sa delikadong isport(drifting) na panglalaki."
"Nagmundo ng tankeng nagpaputok sa Manila Peninsula standoff, babae."

Kapag delikadong isport o tanke ang pinaguusapan, lalaki kaagad ang sangkot. Ganoon ang dating. Wala ngang mga headline na "Lalaki sumabak sa delikadong isport na pangbabae." Sino nga ba ang nagsabing panglalaki ang drifting?

Ang dating nung mga headline ay mirakulo na may mga babaeng pumapasok sa larangang itinatak ng iba sa kanilang isip na panglalaki.

Sunday, December 02, 2007

Hahaka-haka

Siyempre nagkudeta
Marami at iba-iba ang pananaw ng mga tao mapa-lower/middle/upper class noong araw na iyon. Mayroong mga nagsabing walang kwenta, walang dating, walang saysay, nawala tuloy ang kliyente namin, lumakas lang lalo ang dating ng kasalukuyang gobyerno. Mayroon din namang mga nagsabing shit astig, idol, tara na gera, panahon na para sa pagbabago. Kabilang sa ibang masayang opinyong narinig ko ay "sana hindi sumuko at nagpakamatay nalang". Sa tingin ko, naroon ang pagnanais ng pagkakaroon ng isang malinis na gobyerno ngunit wala sa timing, kulang sa EQ, kulang sa plano, kulang sa suporta. Yung suporta naregaluhan nang lahat.

Perfect Stranger
Isang pelikulang may napakagulong kwentong nag-ugat lang pala sa child abuse at frame-up. Tungkol ito sa paghahanap ng katotohanan sa likod ng isang krimen. Hindi ito magandang panoorin ng dalawang beses.
Lumabas nanaman ang ideya ng kalayaan sa pamamahayag.
"The idea that we're supposed to be reporting the news, not covering it up."
Isa pang masayang ideyang nasagi ay ang katotohanang kahit ang pinakamalapit na kaibigan ay hindi pa rin masasabing lubos na kakilala.

Bumili ng regalo
Mahirap pala bumili ng regalo sa limang taong gulang na bata. Ngayon ko lang kasi naisip yung anggulong mawawala/masisira lang ng bata ang ireregalong laruan sa kanya. Kaya pala hindi ako madalas makatanggap ng mga laruan noong bata pa ako. Pati na rin yung ideyang hindi niya magugustuhan kung Rubik's cube at "anti-gravity" (kung sa bagay wala pa namang ganoon) device ang ibibigay sa kanya.

Moral lesson: Maghintay at magplano; dahil katabi mo lang; ang regalo. Siguro dahil malapit na ang pasko.