Sunday, December 02, 2007

Hahaka-haka

Siyempre nagkudeta
Marami at iba-iba ang pananaw ng mga tao mapa-lower/middle/upper class noong araw na iyon. Mayroong mga nagsabing walang kwenta, walang dating, walang saysay, nawala tuloy ang kliyente namin, lumakas lang lalo ang dating ng kasalukuyang gobyerno. Mayroon din namang mga nagsabing shit astig, idol, tara na gera, panahon na para sa pagbabago. Kabilang sa ibang masayang opinyong narinig ko ay "sana hindi sumuko at nagpakamatay nalang". Sa tingin ko, naroon ang pagnanais ng pagkakaroon ng isang malinis na gobyerno ngunit wala sa timing, kulang sa EQ, kulang sa plano, kulang sa suporta. Yung suporta naregaluhan nang lahat.

Perfect Stranger
Isang pelikulang may napakagulong kwentong nag-ugat lang pala sa child abuse at frame-up. Tungkol ito sa paghahanap ng katotohanan sa likod ng isang krimen. Hindi ito magandang panoorin ng dalawang beses.
Lumabas nanaman ang ideya ng kalayaan sa pamamahayag.
"The idea that we're supposed to be reporting the news, not covering it up."
Isa pang masayang ideyang nasagi ay ang katotohanang kahit ang pinakamalapit na kaibigan ay hindi pa rin masasabing lubos na kakilala.

Bumili ng regalo
Mahirap pala bumili ng regalo sa limang taong gulang na bata. Ngayon ko lang kasi naisip yung anggulong mawawala/masisira lang ng bata ang ireregalong laruan sa kanya. Kaya pala hindi ako madalas makatanggap ng mga laruan noong bata pa ako. Pati na rin yung ideyang hindi niya magugustuhan kung Rubik's cube at "anti-gravity" (kung sa bagay wala pa namang ganoon) device ang ibibigay sa kanya.

Moral lesson: Maghintay at magplano; dahil katabi mo lang; ang regalo. Siguro dahil malapit na ang pasko.