Nagtanggalan na sa tARbaho. Isa ako sa mapapalad na pumasa sa halos apat na buwan at matinding pagsasanay upang maging isang regular na taga-develop sa kumpanyang pinapasukan.
Medyo makabagbag-damdamin, lol, ang karanasang ito para sa karamihan ng mga kagrupo ko. Mahirap kasi talaga na bigla nalang maaalis ang iba lalo na ngayong papalapit ang Pasko. Isa pa maganda na rin kasi ang pagsasamahan ng grupo.
Noon, hindi talaga ako naniniwalang nalulungkot ang mga naiiwang kalahok sa mga reality T.V. shows. Pakiramdam at tingin ko ay pakitang-tao lang ang ginagawa at ipinapakita nila dahil pinapanood nga sila. Parang ginagawa lang nila kung ano ang tanggap na ugali sa lipunan. Ngunit ngayon, dahil siguro sa pagkakabigla, para bang naiintindihan ko na rin ang iba sa kanila. Ngayon ko lang naiintindihan ang nakikita kong kilos ng mga natitirang kalahok kapag may naaalis na iba (ang korny).
Iba talaga kapag may nabuo nang pagkakaibigan.
Nakakalungkot pero tuloy lang ang buhay. Wala namang namatay. Magkakaibigan pa rin naman kahit hindi na magkasama sa trabaho.