Friday, January 11, 2008

Extracurricular Work Week

Counter-Strike Monday.
Niyaya kami nung mga seniors namin ng counter-strike doon sa computer shop na malapit sa opisina. Anak ng juweteng, 35 pesos per hour ang renta sa isang computer na hindi naman ganoon kasaya gamitin. Pero masaya naman, dahil masaya makipaglaro ng patayan sa mga seniors sa tarbaho.

Chat Tuesday.
Halos buong araw na nag-web conference lang kami ng mga work batch mates ko. Parang slack time namin.

Movie night Wednesday.
Nanood kami ng National Treasure.

Basketball Thursday.
Nagyaya ng basketball yung mga seniors sa opisina. Nakisali kami, wala lang, para bonding sa mga "nakatatanda" sa amin.
Nakakatuwa na yung mga managers/seniors ay nakakasalamuha mo in a certain non-work related activity.
Napatunayang kong mababa na ang stamina ko dahil mga seven minutes pa lang ng paglalaro, pagod na ako at pawis kung pawis. Naisipan ko tuloy na gamitin nalang ang hagdanan ng building kapag paakyat.