Kapag bumalik sa pusisyon ang isang convicted na dating presidente, lokohan na talaga. Palaruan ba ang Pilipinas?
"Ang taong bayan galit sa katiwalian, ako rin galit sa katiwalian." - Isa sa mga pinakanakakatawang linyang maririnig galing sa bibig ng kasalukuyang Presidente.
Ano iyon, parang galit siya sa sarili niya?
Tama lang na pababain ang isang lider na pumupirma ng kung anu-ano, pero hindi lang naman siya ang dapat bumaba eh. Nakakalimutan nating marami pang iba diyang bumubulsa lang sa buwis na ibinabayad ng mga Pinoy.
Ang nakakalungkot ay ang paulit-ulit na EDSA revolution. Kasi parang nawawalan ng saysay ang mga dati nang ipinaglaban at naipanalo kung kailan pang ipanalo ulit. Para bang hindi natututo ang mga dapat matuto. O marahil, hindi natututo dahil nga hindi sila nasasama sa mga napapababa, sa mga natatanggalan ng kapangyarihan. Kung sabagay, mukhang mas mabuti nang lahat ng wala sa kapangyarihan ang bumanat para naman matauhan ang mga pulitikong mas iniinisip ang pagtaba ng sariling bulsa.