Ilang buwan na rin pala ang lumipas noong nagsimulang lumobo ang tiyan ko. Siyempre hindi lang ako, marami rin sa mga kakilala ko ang nararanasan ang ganitong nakakapagpabagabag na pangyayari.
Tumaas ng 9 pounds ang timbang ko mula noong Hunyo hanggang sa kasalukuyan. Nakakangilo.
Kanina, unang beses kong maranasang nagtapon lang ako ng basura, may nagpasalamat na sa akin. Palabas kasi ako ng bahay, kaya naisipan ko nang itapon yung basura. Doon sa may pinaglalagyan namin, may dalawang mamang naghahanap yata ng kapalaran sa mga supot ng basura. 'Ayun noong nagtapon ako, napa-"thank you ha" yung isa sa kanila. Mahirap unawain.