- Sabado. Oracle Global Volunteer Days. Pumunta sila sa La Mesa Watershed. (Dahil napadpad ako sa website nung watershed, nakakatuwa naman at nalaman ko pa ang donation stuff). Siyempre pa, sumama ako. Masaya naman, at maraming pumunta. Ang problema lang talaga ay napaka-humid (hoomid). Ubos ang lakas at tubig sa katawan dahil doon sa Ecomazing Race () at sa sobrang init.
- Linggo. Dahil na-miss ko lang, nagehersisyo ako, dito lang sa bahay. Pagkapawis ng sobra, naligo ako ng malamig. Hindi naman ganoon kaarte ang katawan ko na magkakasakit dahil doon. Pero may sinat na raw ako noong kinagabihan, pero hindi ko talaga masyadong naramdaman eh.
- Lunes. Pumasok ako, may tinapos sa opisina dahil ipinatapos ito. Tinamaan na talaga ako ng lagnat noon. Umabot sa 38° ang temperatura ng katawan ko ayon na rin sa nurse sa opisina. Pinag-ingat niya lang ako. Pinag-ingat. (Kailangan ko pa talagang ibenta)
- Martes, Miyerkules. Bagsak, bagsak.
- Huwebes. Nagpakunsulta na ulit ako sa doktor. Sumama si mom sa consultation room. Mukhang nanay na rin iyong doktor. Pina-CBC (complete blood count) ako. Normal naman daw ang red cell, white cell count (safe sa dengue at typhoid, tama ba? hehe) pero medyo mababa raw iyong platelet count na ibig sabihin ay kulang daw ako sa tubig. So pwede palang malaman kung dehydrated ang isang tao gamit ang platelet count :D. Napapangiti nalang ako dahil sinusumbong ako ni mom sa doktor na hindi raw ako kumakain ng gulay (kumakain kaya ako ng golay) at hindi umiinom ng tubig (umiinom kaya ako ng pobeg) atbp. Napapangiti nalang ako dahil wala akong magawa sa dalawang nanay na nagsesermon sa akin.
Thursday, October 23, 2008
kwentong may trangkaso
Ganito nangyari: