Dumating dito sa bahay sina Emman, Jerrick, Barqs, Nico, Irene, at Mamert. Na-miss nila ako kaya kumain, uminom at nag-DOTA kami dito sa bahay.
Nagdala si Jerrick ng epektus kaya gumawa kami ng jello shots, na mas masaya banatan tuwing lasingan. Wala nang sabit, lasang prutas pa.
Nagdala rin sila ng mga laptop tapos naglaro kami gamit ang GG client kami para maramihan at mas masaya. Parang buhay kolehiyo lang. Ayon sa aking ina iyong dalawa kong tropa, Nico (bihasa sa trash talk) at Barqs (aduk), ay hanggang ika-siyam ng umaga naglaro. Napakahihilig.
Kinabukasan, tumungo ako sa opisina, hindi para magtarbaho, bagkus ay para sumama sa pasyal ng mga katrabaho. Napadpad kami sa isang pribadong languyan sa Laguna. May nalasing dahil may beer, tequila at Baileys, may kumanta dahil may videoke machine, may lumangoy, may nagluto dahil maraming karne, may nagmaneho, may nangolekta ng pera, may nagbayad, may kumuha ng litrato, may palaka, walang nag-Wii, maliit kasi iyong T.V. Hindi ako nakatulog dahil may pusoy dos. Kinaumagahan noon, pumunta kami sa Los Banos. Dumaan kami sa UP, tapos umuwi na rin. Bibili sana ako ng yogurt (walang melamine dito), kaya lang naubusan eh.
Dalawang linggo bago iyon, nakalangoy at nakapagtampisaw din kami sa 9 waves sa Rizal. Nagustuhan ko roon. Unang-una, dahil nakakatuwa iyong resort, matindi iyong pools, may waves eh. Isa pa magaling iyong nagdisenyo nung lugar, kaaya-aya ang dating nito sa unang tingin pa lang.
Pinakanagustuhan ko roon ay ang mga tao nilang tapat at magiliw tumanggap sa panauhin. Maasikaso sila pag dating pa lang kaya nakaka-engganyo. Iyong katapatan nakita ko kasi nawala ko ang tatlong bagay doon, susi ng kwarto namin, tsinelas at wallet ko. Iyong susi ng kwarto kailangan bayaran ng limang daang piso kapag nawala. Tapos iyong wallet ko, ano, wallet ko iyon eh kaya sayang naman kung mawala. Sobrang makakasama ng loob kung nawala lahat, pero dahil sa mababait na tao roon, ibinalik sa amin iyong susi at wallet. Kaya masaya. Sa kasamaang palad, napakanta ako ng Kamikazee - Chinelas kasi may mabait na batang kumuha nung tsinelas noong nilagay ko sa gilid ng pool bago lumangoy. Pero masaya pa rin dahil bumili ako ng bago doon sa malapit na palengke. 180 iyong unang presyo sa akin nung babae, tapos noong lumabas iyong kasama niya at tinanong ko ulit, wampipty nalang kaya binili ko na.
Wala lang, nagpapasarap lang ng kaunti dahil tapos na ang apurahan ng proyekto namin.
Buod
Langoy, inom, kain, DOTA
Mga Pics:
Dito sa bahay galing kay Barqs
Dito sa bahay galing sa akin
Laguna galing kay Kat
Laguna galing kay Dian
Laguna galing kay Mitch
Laguna galing sa akin