Thursday, December 14, 2006

Tamang Batchoy Lang

Naranasan mo na ba ang mapagalitan dahil nagtapon ka ng basura sa tamang tapunan?
Kung hindi pa, daan ka sa Session Road, sa may bandang Solibao, magtapon ka dun sa itim na trash bag. May sisista sa'yo. Yun yung mga kolektor ng tinapong pagkain mula sa restaurant. Sa malamang kakainin nila, hinihiwalay nila yung mga hindi nakakain eh.

Kung titignan mo yung panig nila. Siyempre magagalit ka rin kung yung pagkain mo ay tatapunan ng basura 'di ba?