Isang fresh graduate ng interior design ang nagsabing, "Kukuha lang ako ng experience dito sa Philippines tapos pupunta na 'ko sa Australia". Ang nakakalungkot sa lahat, UPian siya. So much for stereotypes. Hanggang ngayon, nakakainis na marami sa matatalino at magagaling sa Pilipinas ay lumalabas lang ng bansa.
Alam na natin kung bakit maraming umaalis. Pera. Kasi nga naman, bakit ka magtatrabaho ng isang buwan para sa P20, 000 kung makukuha mo naman ito sa loob ng dalawang araw sa parehong trabaho sa ibang bansa? Narinig ko nga sa isang newscast ang mensahe ng isang government official para sa mga gurong umalis ng bansa, "What can we do to make them come back?"
Kung sabagay, mabuti na ring may choice na ganoon kaysa naman sa wala. Sana lang, maintindihan ng karamihan na ang talento ng Pilipino ay para sa Pilipinas.
Sa kabila ng lahat, nakakatuwang marami pa ring mga Pinoy na imbis na magtrabaho sa mga malalaking kumpanya o sa ibang bansa ay pinipili pa ring maglingkod sa sariling bayan. Ang ginagawa nila, nag-aaral o nagpapakadalubhasa sa ibang bansa para madala at maipamahagi sa kanilang bayan ang mga karunungan na kanilang nakalap. Sabi nga nung medyo radikal na propesor ko noon ukol sa colonial mentality ng mga Pilipino, "Gamitin ang wika nila (Amerikano) at ang karunungan mo laban sa kanila".
Nakakatuwa rin ang pahayag ng pangulo ukol sa paglabas ng bansa ng mga talentadong Pilipino. Sa lahat ng mga sinasabi ni GMA dito ako approve, "...I want to create so many jobs in our country, good jobs that for a hardworking and talented Filipino, a job abroad will be a career choice and not the only choice left." Maganda naman ang balak niya, sana lang... Hanggang dun nalang muna.
Link to GMA's speech.