Tuesday, April 03, 2007

Ano na nga ba mga pinaggagagawa ko

Sa ngayon, tapos naman na lahat ng kailangan gawin sa college life ko. Hindi ko na rin masyado napansin eh. Pagkatapos ng thesis defense sobrang naging abala ako sa acads. Siyempre yung tinutukan ko yung combinatorics dahil dun sa 29% na exam. Dahil doon, nakabawi ako ng malaki sa finals, 93.5% ang nakuha ko. Kinailangan eh. Yun lang talaga yung determinant ng graduation. Yung ibang subject kasi maganda naman standing ko kaya hindi na naging problema.

Ano pa nga ba? Ah, nanood kami ng The Number 23. Masaya naman yung kwento, tapos yung twist astig din. Ang galing pa rin umarte ni Jim Carrey.

Nakuha ko na rin yung grad pic ko, parang ngang hindi ako eh. Napakaputi. Sobra yung pagkaka-edit.

Kumuha rin ako ng JITSE or PhilNITS, Philippine National IT Standards. Japanese certification exam daw, in English. Hindi ko rin alam kung bakit dapat Japanese eh, basta alam ko libre kaya kumuha nalang ako. Ok naman yata yung performance ko, di ko lang sure kung papasa ako. In two weeks time pa raw lalabas yung results.

Sa ngayon, bum mode ulit. Walang kailangang gawin. Titignan ko mamaya kung itutuloy ko pa yung development nung website. Nood muna ako ng Maging Sino Ka Man, hindi ko na napanood eh.

Hindi ko pa alam kung kailan ko gusto umuwi sa bahay namin, mainit kasi sa Maynila lalo ngayong panahon ng tag-init, dito muna ko at magpapalamig.

Sa April 20 pa yung graduation. Ang tagal pa. Wala pa pala akong isusuot. Gusto kasi nila barong, para formal. May practice pa sa April 19, compulsory ang attendance.

Yung lang naman, itong summer wala naman responsibilidad na binigay sakin. Pahinga nalang muna ako siguro, nood nood, laro laro. Sarap.