Friday, April 06, 2007

Kuya, kuya, nasaan na yung gamit ko?

Kakauwi ko lang dito sa Pasig galing Baguio. Umalis ako nang walang paalam sa boarding house. Puro parinig kasi yung mga tao roon simula nang nagbakasyon na yung ibang mga estudyante. Ako pinagtuunan ng pansin. Tapos na iyon, hehe.

Nakakainis kasi sobrang nagkamali yung kundoktor ng sinakyan kong bus, naibaba niya yung isa sa mga bagahe ko, isang travel bag, kasabay nung bagahe nung iba pang pasahero sa may Quezon Ave., ang mali niya, sa Cubao ako bababa. Ang sabi niya oo lang daw nang oo yung ibang mga pasaherong bumaba noong tinatanong niya kung kanila ba yung bagahe na naiwan. Honest system lang. So, ayun, wala akong kamalay-malay na wala na pala yung bagahe ko pagdating sa Cubao. Hanap ako nang hanap sa kanya, ang sagot lang niya ay wala. Ang husay 'di ba?

Kung nagkataon, nawala na yung mga damit ko at ang bulok na Mac. Buti na lang, mabait yung taxi driver na sumalubong sa akin at gustong-gusto akong ihatid. Noong pumunta kami, kasama yung kundoktor, sa pinagbabaan nung mga nakatangay sa gamit ko, naroon pa sila. Ang pinakanakakainis sa lahat, nakangiti at hila-hila pa nung isang lalaki yung travel bag ko. Ang sabi niya akala niya raw ay sa isang kuya niya yung hila niya. Ang husay talaga 'di ba? Kung sa kuya niya nga yun, sana tinanong niya. At kung alam nga nilang hindi kanila iyon, sana man lang ibinalik nila sa istasyon. Ang masama pa, pasakay na sila noong inabutan namin. Buti nga hindi ko na sila inaway. Pero kung nagkataon, talagang nawala na mga gamit ko.

Nabawi ko rin naman kaya medyo okay lang. Kung hindi ko nabawi, sisingilin ko yung kundoktor na mahusay. Hehe.