Friday, April 13, 2007

Most Filipino Politicians are Chicken

Or hiding something. XD

That is, other than the fact that most, if not all, are corrupt, leeching/stealing money from the Filipino people.

Anyhow, nakapuna nanaman ako. Na-expose nanaman kasi ako sa mass media other than the internet. Yung mga commercials, on TV, ng mga senatoriables, parating mayroong message sa dulo na halos hindi mo mababasa. Actually, hindi ko mabasa (well I guess hindi lang ako) kasi bukod sa maliit na, napakabilis pa ipakita. Something like, "This ad has been paid by friends", or by some other people, kahit sino na lang, basta hindi yung candidate. Yung mga kantahan pota ang tagal tapos yung simpleng mensaheng iyon, na gustong-gusto kong mabasa, napakabilis nung pagkakapakita. Kung hindi ba naman sila mahusay ano? Bakit nga ba may ganoon pa? Para na rin kasing ang ibig sabihin nun ay, "Hindi ako ang nagbayad para sa napakamahal na commercial na ito". Bakit ba ayaw pa nilang ipakita kung sino man ang nagbayad? Takot o may tinatatago?

Bakit ka nga naman hindi magiging ganoon, ang makukuha mong sweldo para sa pagsisilbi sa senado, walang-wala para sa pangbayad sa isang commercial na napakaraming kantahan, sayawan o artista. May batas ba silang ipinatupad para sa benefit nung sponsor nila? Marami talaga akong naiisip na kung anu-anong tanong dahil lang sa hindi nila pagpapakita ng matagal dun sa kung sino man ang nagbayad para sa commercial nila.

Term of Office and Privileges, specifically ang salary, ng isang senador.

Mayroon din naman akong naaalalang senatoriable na naglagay ng pangalan niya, kaso nakalimutan ko na.

Isa pang kwento, narinig ko kay Arnold Clavio kaninang umaga sa radio nung taxi, ang mga tumatakbo for a position, pagkatapos ng eleksyon dalawa lang ang kahihinatnan, either mananalo or yayaman. Meron daw kasing someone running for some position na sinuportahan ng some people. Ang nangyari, nung binigyan na siya ng funds, tumigil na sa pangangapanya. Ang pinakamasaya sa lahat, yung funds na ibinigay sa kanya, ipagpapatayo raw niya ng business. Saan ka pa?

Vote wisely!!!